BJMP – MIMAROPA’s 22nd Anniversary

Kasabay ng pagbabahagi ng iba pang mga larawan mula sa matagumpay na pagdiriwang ng ika-22 anibersaryo ng BJMP –

MIMAROPA, nais ko pong iparating ang taos-pusong pagbati sa mga natatanging parangal na ipinagkaloob sa okasyong ito.

Una sa lahat, binabati ko po si JCINSP RANDIE C ABRIL sa pagkakamit ng prestihiyosong titulong ‘Best District Jail Warden of the Year.’ Ang parangal na ito ay isang patunay ng kanyang dedikasyon, husay, at malasakit sa kanyang tungkulin, na nagbigay ng malaking kontribusyon sa pagpapabuti ng ating sistema ng pangangalaga sa mga PDLs.

Pangalawa, binibigyan natin ng papuri ang BJMP Calapan City District Jail sa pagtanggap ng ‘Best District Jail of the Year.’ Ang pagkilalang ito naman ay nagsisilbing patunay ng sipag at pagsusumikap ng buong pamunuan at tauhan ng ating piitan sa kanilang pagsisikap na mapanatili ang mataas na pamantayan ng serbisyo at seguridad.

Mabuhay po tayong lahat at nawa’y magsilbing inspirasyon ang mga tagumpay na ito sa iba pang mga miyembro ng BJMP upang ipagpatuloy ang kanilang makabuluhang trabaho!