BINHING PALAY MULA SA DA-PHILRICE, IPINAMAHAGI NI MAYOR MALOU MORILLO

200 bags na inbred seeds ang matagumpay na naipamahagi para sa mga Calapeñong magsasaka, sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department, ginanap sa Calapan City Agricultural Demonstration Center, Barangay Biga, nitong ika-7 ng Enero.

Tumanggap ng naturang binhing palay mula sa Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) ang nasa mahigit 100 na magsasaka ng lungsod na lubhang naapektuhan ang pangkabuhayan sa kabukiran, dulot ng pagbaha nitong nakaraang Disyembre 2024, dahil sa madalas na pag-ulan.

Naisakatuparan ang nasabing aktibidad sa pakikipag-ugnayan sa DA-PhilRice ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department, sa pamumuno ni Mayor Malou Morillo, katuwang si CASD Focal Person, Engr. Jasper B. Adriatico.

Samantala, nagpakita rin ng pagsuporta sa nasabing aktibidad ang mga kasamahan ng punong-lungsod sa Team TAMA na sina Judge Paddy Padilla at Former City Councilor, Ms. Mylene de Jesus.