BEST KIDS SEASON 8: KALAP EDITION PLUS!

Kabataang Aktibo: Lalago at Aasenso sa Pagnenegosyo

Sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at sa pakikipagtulungan ni CTID Officer EnP. Amormio Carmelo Joselito S. Benter, CESE, matagumpay na naisakatuparan ang paglagda sa Memorandum of Understanding at ang pagkakaloob ng seed capital para sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Calapan. Ang mga kabataang Calapeno na ito ay kalahok sa “Best Kids Season 8: Kalap Edition Plus,” na may temang “Kabataang Aktibo: Lalago at Aasenso sa Pagnenegosyo.” Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa City Hall noong ika-29 ng Agosto.