Ang kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng liderato ni City Mayor Malou Flores-Morillo ay kaisa ng mga kabalikat sa B.E.S.T Kids Plus (Building Entrepreneurial Skills and Talents of Kids) na ngayong taon ay nasa ika-6 na season na.
Ito ay programa sa pangangasiwa ng City Trade and Industry Department, at sa pakikipagtuwang sa Department of Education Schools Division of Calapan City, Department of Trade and Industry at sa ilan pang departamento sa City Government of Calapan gaya ng City Accounting and Internal Audit Department (CAIAD), City Education Department (CED), City Health and Sanitation Department (CHSD), City Economic Enterprise Department (CEED), at ng City Youth and Sports Development Department (CYSDD).
Ang Management Committee ng nasabing kompetisyon ay may tungkuling hasain ang kapabilidad ng mga benipisyaryo ng programa gayundin ng pagbuo ng overall mechanics and guidelines.
Layunin ng BEST Kids na ipamulat sa murang edad ng mga kabataan ang kultura ng pagnenegosyo.
Si Mayor Malou bilang isang kilalang negosyante sa Isla ng Mindoro ay nakahanda g magbahagi sa mga kabataan ng kanyang husay at talento sa pagnenegosyo (Junard Acapulco/CIO).




