Ang selebrasyon ng Consumer Month ngayong taon ay may temang “Be Smart, Assert your Consumer Rights,” na ginanap sa Calapan City Public Market kahapon, Oktubre 18. Pinangunahan ni City Economic Enterprise Development Officer 1, ENP Nepo Jerome Benter ang aktibidad, kasama si Ms. Fely Joy Dinglasan mula sa DTI Oriental Mindoro, na nagpaalala sa kahalagahan ng mga karapatan ng mga mamimili. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Malou Flores-Morillo ang kahalagahan ng tamang timbang sa mga pamilihan, na nararapat na tumugma sa bayad ng mga mamimili. Ikinagalak din niya ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga depektibong timbangan sa pamilihan. Samantala, nagpasalamat si SAMPACA Chairperson Antonio D. Arellano sa Administrasyong Morillo sa pagbibigay ng atensyon sa mga manininda at mamimili.