Batang Pinoy and Philippine National Games 2023 Recognitions

Sa ginanap na Regular Monday Flag Raising Ceremony sa Calapan City Hall, nitong ika-15 ng Enero, pinarangalan at

kinilala ng pamahalaang lungsod ng Calapan ang mga atletang Calapeño na buong puso at pagpupunyaging sumabak nitong nakaraang taon sa ginanap na 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗻𝗼𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟯 at 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗚𝗮𝗺𝗲𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟯.

Sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗟. 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻, ginawaran ng sertipiko ng pagkilala at kaukulang cash incentive ang mga naturang atleta, gayundin

ang kanilang mga nagsilbing coach trainer.

𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗢𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟯

Mark Jerenz O. Atienza (Cycling Competition) – 2 Bronze Medals

Jayven Armin A. Baren (Wushu Competition) – Silver Medalist

𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗚𝗔𝗠𝗘𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟯

Alvin Cristian A. Baren (Wushu Competition) – Silver Medalist

Nezil Arj M. Merilles (Chess Competition) – Silver Medalist

Aleksandra Marie M. Resma & Justine Airone B. Pangilinan (Dancesports Competition) – Silver Medalists