Sa ginanap na Regular Monday Flag Raising Ceremony sa Calapan City Hall, nitong ika-15 ng Enero, pinarangalan at
kinilala ng pamahalaang lungsod ng Calapan ang mga atletang Calapeño na buong puso at pagpupunyaging sumabak nitong nakaraang taon sa ginanap na Batang Pinoy 2023 at Philippine National Games 2023.
Sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at City Youth and Sports Development Officer, Mr. Marvin L. Panahon, ginawaran ng sertipiko ng pagkilala at kaukulang cash incentive ang mga naturang atleta, gayundin
ang kanilang mga nagsilbing coach trainer.
BATANG PINOY 2023
Mark Jerenz O. Atienza (Cycling Competition) – 2 Bronze Medals
Jayven Armin A. Baren (Wushu Competition) – Silver Medalist
PHILIPPINE NATIONAL GAMES 2023
Alvin Cristian A. Baren (Wushu Competition) – Silver Medalist
Nezil Arj M. Merilles (Chess Competition) – Silver Medalist
Aleksandra Marie M. Resma & Justine Airone B. Pangilinan (Dancesports Competition) – Silver Medalists