Batang Makabayan: Wika at Pagbasa, ating Pahalagahan

Mainit na pagmamahal sa wikang sariling atin ang ipinakita ng mga kabataan ng Barangay Malamig, sa pamamagitan ng

aktibong pakikilahok sa aktibidad na pinamagatang “Batang Makabayan: Wika at Pagbasa, ating Pahalagahan”, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2024 na nakaangkla sa temang “Filipino, Wikang Mapagpalaya”, ginanap sa Brgy. Malamig Reading Center, noong ika-31 ng Agosto.