Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, matagumpay na naisagawa ang programang “𝗕𝗮𝘀𝗶𝗰 𝗦𝗶𝗴𝗻 𝗟𝗮𝗻𝗴𝘂𝗮𝗴𝗲 𝗦𝗲𝗺𝗶𝗻𝗮𝗿” para sa mga Uniformed at Non-Uniformed Personnel ng iba’t ibang National Government Agencies, ginanap sa New City Hall, Brgy. Guinobatan, Kalap Activity Center, 3rd Floor City College Building, ngayong araw ng Huwebes, ika-11 ng Mayo.
Ang aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝘀 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗣𝗗𝗔𝗢) na pinamumunuan ni 𝗣𝗗𝗔𝗢 𝗛𝗲𝗮𝗱, 𝗠𝗿. 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗠. 𝗔𝗴𝘂𝗮, 𝗝𝗿. – 𝗖𝗔𝗢 𝗜𝗩, katuwang ang 𝗕𝗮𝗰𝗵𝗲𝗹𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗡𝗲𝗲𝗱𝘀 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗕𝗦𝗡𝗘𝗱) 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀 ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻, kung saan layunin ng programang ito na makapagbigay ng dagdag na kaalaman at karanasan sa “Basic Sign Language”, sa pamamagitan ng sama-samang pag-aaral nito.
Kaugnay nito, nagsilbing tagapagsalita sa nasabing gawain si 𝗠𝘀. 𝗡𝗲𝗹𝗺𝗮 𝗟. 𝗩𝗶𝗮𝗻̃𝗮, 𝗠𝗗𝗠𝗚 na buong pusong nagbahagi ng kanyang kaalaman na inaasahang magagamit sa tunay na buhay, at sa pagbibigay ng serbisyo, para sa mga mamamayan.
Dinaluhan ito ng mga kasapi ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗣𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 (𝗣𝗣𝗔), 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗼𝗮𝘀𝘁 𝗚𝘂𝗮𝗿𝗱 (𝗣𝗖𝗚), 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 (𝗣𝗡𝗣) – 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻, 𝗣𝗡𝗣- 𝗛𝗣𝗚, 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗝𝗮𝗶𝗹 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗲𝗻𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 (𝗕𝗝𝗠𝗣) 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝗝𝗮𝗶𝗹, 𝗕𝗝𝗠𝗣 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻, 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗙𝗶𝗿𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗕𝗙𝗣), at 𝗟𝗧𝗢-𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, kung saan ay naging bahagi rin ng aktibidad na ito si 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗶𝘂𝘀 𝗔𝗻𝘁𝗵𝗼𝗻𝘆 𝗖. 𝗔𝗴𝘂𝗮.
Nakasaad sa 𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼. 𝟭𝟭𝟭𝟬𝟲 o 𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗦𝗶𝗴𝗻 𝗟𝗮𝗻𝗴𝘂𝗮𝗴𝗲𝘀 𝗔𝗰𝘁 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟭𝟴 na idineklara ang 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗦𝗶𝗴𝗻 𝗟𝗮𝗻𝗴𝘂𝗮𝗴𝗲𝘀 (𝗙𝗦𝗟), bilang 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑺𝒊𝒈𝒏 𝑳𝒂𝒏𝒈𝒖𝒂𝒈𝒆 𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔 na kikilalanin, isusulong, at susuportahan, bilang midyum ng opisyal na komunikasyon sa lahat ng transaksyon na kinasasangkutan ng mga deaf sa Pilipinas







