Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
BASIC LIFE SUPPORT WITH STANDARD FIRST AID TRAINING FOR TOURISM ESTABLISHMENTS SAFETY OFFICER – Calapan City Official Website

BASIC LIFE SUPPORT WITH STANDARD FIRST AID TRAINING FOR TOURISM ESTABLISHMENTS SAFETY OFFICER

Dinaluhan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo kasama si City Councilor, Atty. Jel Magsuci

ang isinagawang Basic Life Support with Standard First Aid Training for Tourism Establishments Safety Officer na ginanap sa lungsod ng Calapan kahapon, ika-28 ng Hunyo. Ang pagsasanay na ito ay nilahukan ng 25 safety officers mula sa iba’t ibang hotel at restaurant tourist establishments sa lungsod, at naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga safety officers sa pagbibigay ng agarang tulong sa oras ng emergency.

Ang aktibidad ay bunga ng inisyatibo ni Mayor Morillo, katuwang ang Calapan City Tourism, Culture and Arts Office na pinamumunuan ni Mr. Christian E. Gaud, at ang Cdrrmd, Calapan Mindoro na pinamumunuan ni Mr. Dennis T. Escosora. Ang pagsasanay ay naglalayong tiyakin ang kaligtasan ng mga turista at ng mga manggagawa sa sektor ng turismo.

Kinilala rin ni Mayor Morillo ang mahalagang kontribusyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga accredited Officers ng Department of Health (DOH) na nagsilbing mga trainors sa programa.

Sa pagtatapos ng aktibidad, ipinahayag ni Mayor Morillo ang kanyang pasasalamat sa lahat ng lumahok at nag-organisa ng programa.