Personal na binisita ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, nitong ika-28 ng Nobyembre, ang kasalukuyang isinasagawang “𝑩𝒂𝒔𝒊𝒄 𝑰𝒏𝒄𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒂𝒏𝒅 𝑺𝒚𝒔𝒕𝒆𝒎 𝑻𝒓𝒂𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑪𝒐𝒖𝒓𝒔𝒆 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑫𝑹𝑹𝑴 𝑪𝒐𝒖𝒏𝒄𝒊𝒍” na ginanap sa Ferraren Hills Resort, Lumangbayan, Calapan City.
Ang gawain ay aktibong nilahukan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, kabilang ang mga Hepe ng iba’t ibang Departamento nito at mga kasapi ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 (𝗖𝗗𝗥𝗥𝗠𝗖).
Dito ay binigyang daan ang pagsasanay sa mga pamamaraan ng pagpaplano na makatutulong sa mga paghahanda na nakatuon sa kaayusan at pagiging sistematiko ng mga hakbang na kinakailangan, para mapanatili ang epektibong pagtugon sa isang mahalagang sitwasyon.
Ang makabuluhang pagtitipon na ito ay pinangasiwaan ng Calapan City Disaster Risk Reduction Management Office na pinamumunuan ni 𝘊𝘋𝘙𝘙𝘔 𝘖𝘧𝘧𝘪𝘤𝘦𝘳, 𝗠𝗿. 𝗗𝗲𝗻𝗻𝗶𝘀 𝗧. 𝗘𝘀𝗰𝗼𝘀𝗼𝗿𝗮, katuwang ang 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗹 𝗗𝗲𝗳𝗲𝗻𝘀𝗲 (𝗢𝗖𝗗)-𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔.
Leave a Reply