Kaugnay ng ‘Elderly Week Celebration’ (October 1-7, 2022) na ngayong taon ay may temang “Older Persons: Resilience in Nation Building” ay minarapat ng United Senior Citizens Association of Calapan City Oriental Mindoro Incorporated (USCACCOM Inc.) na maipaunawa sa kanilang mga miyembro ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng Saligang Batas ng Pilipinas.
Dito ay agad namang tumugon ang Commission on Human Rights sa kahilingan ng mga Senior Citizens ng Calapan City.
Sa pamamagitan ni Atty. Estrella Baltazar, OIC-CHR Mindoro Provincial Office bilang resource speaker ay ay binigyang daan ang ‘Basic Human Rights and Rights of Elderly Seminar’ na tumutukoy sa ibat-ibang uri ng karapatan na nauukol para sa Senior Citizens na ginanap sa Calapan City Plaza Pavilion, Oktubre 2,2022.
Ang CHR ay isa sa mga Independent Checks and Balances ng gobyerno na magiimbestiga sa lahat uri at porma ng paglabag sa karapatang pantao. Lalo na kung ang biktima o mga biktima at kabilang sa tinatawag na vulnerable, disadvantage at marginalized sector gaya ng mga senior citizens, bata/kabataan, kababaihan, may kapansanan, katutubo, mga nakapiit, internally displaced, LGBTQIA+Community, OFW at mga mahihirap.
Maliban sa pagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga senior citizens ay kasama din sa mandato ng CHR ang promotion and prevention gaya ng pagbibigay ng ganitong uri ng seminar.
Ipinagpasalamat naman ng mga nagsidalong miyembro ng USCACCOM Inc. sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Mr. Angel Albo ang bagong kaalaman na kanilang nakuha mula sa nasabing seminar.
Dahil malapit sa puso ni City Mayor Malou Flores-Morillo ang mga older person ng lungsod ay pinaunlakan niya ang paanyaya ng mga ito.
Dito ay ipinahayag ng alkalde na ginagawa ng kanyang administrasyon ang mga kapamaraanan upang maibigay ang mga TAMAng Serbisyo at Programa para sa CalapeƱo.
Ang libreng maintenance medicine ay nagpapatuloy, may psychiatrist at gamot na rin para sa mga mentally ill person.
Dagdag pa ni Mayor Malou na malapit na ring magkaroon ng katuparan ang pangakong libreng gatas para sa mga senior citizens.
Para sa mga Senior Citizens na hindi pa nakatanggap ng kanilang monthly pension mula sa DSWD, sinabi nito na ginagawan na ng paraan ng Pamahalaang Lungsod na mabigyan na rin sila ng katulad na benipisyo.
Mababakas sa mukha ng mga Lolo at Lola ang kagalakan sa mga naging pahayag ni Mayor Morillo na para sa kanila ay palatandaan na kinikilala ang kanilang importansya sa lipunan bilang mga ‘Pangunahing Mamamayan’.




