Pinatawag ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sina 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼 — 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 at ang mga namamahala sa 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗰 𝗘𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗢𝗯𝘀𝘁𝗲𝘁𝗿𝗶𝗰𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗲𝗼-𝗻𝗮𝘁𝗮𝗹 𝗖𝗮𝗿𝗲 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 ng lungsod upang pag-usapan ang mga susunod na hakbang upang mabuksan na muli ang 𝗕𝗠𝗢𝗡𝗖, ika-6 ng Oktubre.
Isa sa pinakakinakailangan ay pagkakaroon ng pagsasanay ng mga midwives at bilang tugon, pinangako ni Mayor Morillo na makikipag-ugnayan siya sa 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵, 𝗚𝗼𝘃. 𝗕𝗼𝗻𝘇 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿, at sa 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗛𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹 tungkol sa bagay na ito.
Naroon din sa pagpupulong sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺.