Tampok din pagdaraos ng “10th Kalakalapan Trade Fair 2024″ na suportado ni City Mayor Marilou Flores- Morillo at Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang ginanap na “Bartending Competition” na pinangasiwaan
ng City Trade and Industry Department, sa pamumuno ni CTID Officer, EnP. Amormio Carmelo Joselito S. Benter, CESE nitong Marso.
Nasungkit ni Mr. Jhonver Mendoza (Mindoro State University), ang unang pwesto (1st Place), kalakip ang P4,000.00, samantalang nasa ikalawang pwesto (2nd Place) naman ni Ms. Robhe Jane Dimayuga (Mindoro State University) na tumanggap ng P3,000.00, at P2,000.00 naman ang ipinagkaloob sa 3rd Placer na si Ms. Sofia Mae Jaen (City College of Calapan).
Samantala, nagsilbing hurado para sa patimpalak na ito sina Supervising Tourism Operations Officer, Mr. Christian E. Gaud, Mr. Edmundo Casanova (Tiger Joe’s Cafe, Owner) at Mr. Wilfredo Aceveda (Xentro Mall, Manager).