“𝑷𝒖𝒔𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒕𝒂𝒔, 𝑴𝒖𝒍𝒂 𝑵𝒐𝒐𝒏, 𝑯𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 𝑵𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏!”

Masiglang nakiisa at nakibahagi sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 𝗥𝗼𝗱𝗼𝗹𝗳𝗼 ‘𝗕𝗶𝗺’ 𝗔. 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 sa pagdiriwang ng “𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑷𝒂𝒕𝒂𝒔 𝑭𝒊𝒆𝒔𝒕𝒂 𝒂𝒏𝒅 𝑮𝒓𝒂𝒏𝒅 𝑹𝒆𝒖𝒏𝒊𝒐𝒏”, kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗶𝗰𝗸𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗲 𝗣. 𝗚𝗼𝗰𝗼, na ginanap sa Brgy. Patas Covered Court, nitong ika-12 ng Mayo.

Kaugnay nito, nagkaroon din ng “𝑩𝒍𝒆𝒔𝒔𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒅 𝑹𝒊𝒃𝒃𝒐𝒏 𝑪𝒖𝒕𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑪𝒆𝒓𝒆𝒎𝒐𝒏𝒚”, ng bagong stage na handog ni Mayor Morillo para sa barangay covered court, na pinangunahan ni 𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗦𝗶𝗺𝗽𝗼𝗹 𝗕𝗼𝗻𝗾𝘂𝗶𝗻.

Masaya at aktibong nakiisa ang mga mamamayan, kung saan maaaninag sa kanilang mga mukha ang bakas ng galak na muling magkasama-sama sa isang espesyal na pagdiriwang.