Barangay Caravan

Para makapaghatid ng iba’t ibang serbisyo para sa ikaaalwan ng mga mamamayang Calapeño, lumapag sa Barangay Sto. Niño, nitong ika-22 ng Hulyo

ang programang Serbisyong TAMA para sa Barangay Caravan sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, kasama si City Administrator, Penelope D. Belmonte, katuwang ang iba’t ibang departamento at opisina ng City Government of Calapan, sa pamumuno ng mga department/office head, at program managers, gayundin ng national government agencies, kasama ang mga opisyales ng barangay.