Personal na dumalo at aktibong nakiisa sina City Mayor Marilou Flores-Morillo, City Councilor, Atty. Jel Magsuci, Mr. Ivan Stephen F. Fadri, CPA, CESE (City Director, DILG Calapan City) at Mr. Jaypee M. Vega (Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns) sa idinaos na Barangay Assembly 2024, nitong ika-23 ng Marso.
Nakadaupang-palad ng Punong Lungsod, Mayor Morillo, ang mga Calapeñong lumahok sa nasabing pagtitipon, mula sa siyam (9) na barangay sa Lungsod ng Calapan, kung saan kabilang dito ang Baruyan, Canubing I, Tawagan, Sta. Isabel, Guinobatan, Lalud, Camilmil, Sto. Niño, at San Vicente South.
Katulad ng mga nakaraang pagpupulong sa mga naunang barangay sa Calapan, impormatibong pag-uulat muli sa harap ng taumbayan ang isinakatuparan ng mga lider ng barangay at lungsod, bilang paglilinaw sa mga aktibidad, proyekto at programa sa barangay, gayundin ang mga suliraning kinakailangang masolusyunan,
Samantala, nakibahagi rin sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay sa pamumuno ng kani-kanilang mga kagalang-galang na Punong-barangay, at ang mga kasapi ng Sangguniang Kabataan, Barangay Nutrition Scholar (BNS), Barangay Health Workers (BHW) at iba pa.