Bunga ng magandang relasyon sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni ๐๐ถ๐๐ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ ๐ฎ๐น๐ผ๐ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐ฒ๐-๐ ๐ผ๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ผ at ng Blue Alliance Philippines ay nagpapatuloy ang pagsasakatuparan ng mga hakbang tungo sa layuning mabigyan ng magandang pamayanan ang mga nasa fishing community sa pamamagitan ng aktibong pangangalaga at pagpapaunlad ng karagatan. Kaugnay nito, isa na namang floating asset ang ipinagkaloob ng Blue Alliance para sa Lungsod sa ilalim ng co-management initiative.
Pinangasiwaan ng Fisheries Management Office ang pagpapasinaya sa ๐ฉ๐๐๐๐ ๐ต๐๐ ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐๐ฟ๐ผ๐น ๐ฉ๐ฒ๐๐๐ฒ๐น na dinaluhan ng mga opisyales mula sa Pamahalaang Lungsod, mga kinatawan ng Blue Alliance at may representante rin mula sa ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ฃ๐ฟ๐ผ ๐๐พ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฐ๐, ๐๐ป๐ฐ., ginanap sa Barangay Lazareto, Calapan City, Oktubre 17, 2023.
Ang Bantay Dagat Patrol Vessel na ito ay locally manufactured mula sa BangkaPro and Aquatics Incorporated. May haba ito na 7.6 meters at may lapad na 2.4 meters. Pinapatakbo ito ng 115 HP outboard engine na kayang kumarga ng 15 pax load capacity. Ilan pa sa special features nito ay ang kanyang built-in fish finder, global positioning system at radio communications. Sa kabuuan ay nagkakahalaga ito ng 2.4 million pesos.
Ang naturang bangka ay multifunctional na maaaring gamitin para sa sea patrolling at diving purposes.
Ipinaabot ni ๐ข๐๐ – ๐๐ถ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ ๐ฅ๐ผ๐ฏ๐ถ๐ป ๐๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฉ๐ถ๐น๐น๐ฎ๐ ang pagpapasalamat sa pamunuan ng Blue Alliance sa magandang oportunidad na ibinibigay nito upang mas mapag-ibayo pa ng kanilang opisina ang mga programa para sa sektor ng pangisdaan. Aniya pa, ang Bantay Dagat ng lungsod ay may mataas na moral sa pagtupad ng kanilang mandato dahil sa suporta na ibinibigay ng mga kabalikat gaya ng Blue Alliance.
Bilang tugon naman ng Blue Alliance sa nasabing pahayag ay sinabi ni ๐ ๐. ๐ง๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ง๐ฒ๐ท๐ฎ๐ฑ๐ฎ, ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ๐ฟ na lubos silang nagagalak sa ipinapakitang dedikasyon ng City Government sa pamumuno ni Mayor Morillo upang pangalagaan at muling payabungin ang likas-yaman ng karagatan na siyang ring pangunahing nilalayon ng Blue Alliance. Ikinalulugod rin nila ang ipinamamalas na kasipagan at katapatan sa kanilang serbisyo ng mga Bantay Dagat. Sa pamamagitan nito ay umaasa ang kanilang institusyon na magpapatuloy ang maigting na relasyon ng Blue Alliance at ng City Government of Calapan para sa nagkakaisang pangarap para bantayan at linangin ang ating karagatan.
Samantala, sa nasabing okasyon ay kinatawan ni ๐๐ต๐ถ๐ฒ๐ณ ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐๐ฎ๐ณ๐ณ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฝ๐ต ๐จ๐บ๐ฎ๐น๐ถ si City Mayor Malou Flores-Morillo, dito ay kanyang malugod na ipinaabot ang taus-pusong pagtanaw ng utang na loob at walang katapusang pasasalamat sa Blue Alliance sa isa na namang regalo para sa mga Calapeรฑo. Maituturing aniya na maswerte ang lungsod sapagkat iilan lamang ang mga LGU sa buong bansa na nakakatanggap ng ganitong biyaya. Nangangako aniya ang kasalukuyang administrasyon na iingatan ang nasabing patrol vessel at epektibong gagamitin ito sa ikagaganda ng buhay ng taumbayan. Tinatanaw rin niya ang mas mahaba pang panahon ng pakikipagtuwang sa Blue Alliance.
Si ๐๐ถ๐๐ ๐๐ฑ๐บ๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐๐๐ ๐ฅ๐ฒ๐๐บ๐๐ป๐ฑ ๐๐น ๐จ๐๐๐ฎ๐บ ay nagsabi naman na ang lahat ng ito ay resulta ng tiwalaan sa pagitan ng Blue Alliance at ng Pamahalaang Lungsod, kanyang binigyang diin na ang bawat pangako ay hindi lamang natatapos sa bawat salitang nilagdaan na nakapaloob sa kasunduan kundi ito’y nararapat maipakita sa pagkilos at seryosong pagtupad sa bawat ipinangako.
“๐ด๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐”, dagdag pa ni CA Ussam.
Ang karagdagang floating asset na ito aniya pa ay magpapataas ng kapabilidad sa mga Bantay Dagat na tumugon sa pagkakataon na kinakailangan ang kanilang serbisyo bilang mga tanod ng karagatang sakop ng lungsod. Magagamit rin ito sa aspetong magpapaunlad ng turismo.
Kanya ring ipinahayag na sa nakalipas na mga panahon ay napatunayan ang matibay na paninindigan ng kasalukuyang administrasyon laban sa mga gumagawa ng iligal sa ating karagatan.
Naniniwala aniya ang Pamahalaang Lungsod sa ‘๐บ๐๐๐๐๐ ๐ฑ๐๐๐๐๐๐’ para sa lahat, subalit kailangan din na panindigan ang batayang prinsipyo ng pangangalaga sa ating kalikasan at hindi maaaring makompormiso sa anumang bagay o kadahilanan ang pagpapatupad ng batas pangakalikasan. Upang siguruhing maayos at ligtas gamitin ang naturang Bantay Dagat Patrol Vessel ay isinagawa ang sea trial para dito habang itinuro din ni ๐ ๐ฟ. ๐ฅ๐๐ฎ๐ป ๐ง๐ฒ๐๐ฒ๐, ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ฃ๐ฟ๐ผ ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ฆ๐ฎ๐น๐ฒ๐ ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ๐ฟ sa mga Bantay Dagat Personnel ang vessel technical aspects.
Kasama rin sa mga ipinagkaloob ang 15 life jackets, apat na boat fenders, isang life ring at anchor.