Ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa liderato ni City Mayor Malou Flores-Morillo ay sumusuporta sa mga adbokasiyang tumutugon sa paglilinang ng kalikasan na may direkta at positibong epekto sa kabuhayan ng tao. Sa pagsasakatuparan ng BASIL (Balik Sigla sa Ilog at Lawa) na isa sa mga programa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sa Caluangan Lake, Disyembre 7, 2022 ay dumalo dito sina City Administrator/Fishery Management Officer Atty. Reymund Al Ussam, Mr. Orlan Maliwanag, Green City of Calapan Program Director at Mr. Robin Clement Villas, Serbisyong TAMA Program Director.
Dito ay ipinaabot ni CA Ussam ang pakiisa ni City Mayor Morillo sa nasabing programa. Sa pangangasiwa ng Property Division ng BFAR MIMAROPA ay kinatawan ni Mr. Joriel Aclan si BFAR MIMAROPA Regional Director Elizer Salilig upang pangunahan ang paglalagay ng 10,000 bangus fingerlings sa Caluangan Lake. Naging kaisa sa gawain ang mga opisyales mula sa City Government of Calapan, mga kawani ng pamahalaan, kasapi ng Bantay Dagat at mga mangingisda. Layunin ng BASIL na ma-rehabilitate at ma-restore ang physical conditions ng mga lawa at ilog upang malinanang ang natural na produktibidad.
Tinutugunan din nito ang biodiversity conservation, poverty alleviation at food sufficiency na siya ring kaparehong layunin ng Green City of Calapan Program. Ang Caluangan Lake ang nag-iisang lawa sa lungsod na isa sa inaasahang magpapalakas ng tourism industry habang kasabay nito’y pinakikinabangan bilang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mangingisda. Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay ito na ang ikalawang pagkakataon na nagtuwang ang BFAR at City Government sa paglalagay ng kaparehong dami ng bangus fingerlings sa lawa sa (Junard Acapulco/CIO).











