“Ang City Government of Calapan ay laging nasa inyo para pagsilbihan ang mamamayan ng Lungsod ng Calapan,” – City Mayor Marilou Flores-Morillo. Sa pagbabalik ng Serbisyong TAMA para sa Barangay Caravan, unang sinadya ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, ang Barangay Bayanan II, ika-30 ng Enero sa tirahan nina G. Guido Bagsic.

Ito naman ay isinagawa sa tirahan nina G. Guido Bagsic na siyang Hermano Mayor ng nagdaang kapistahan ng Calapan. Ilan nga sa nagbaba ng serbisyo ang City Agricultural Services Department, PWD Office, Office of the Senior Citizens’ Affairs, City Health and Sanitation Department, City Veterinary Services Department, City Socialized Medical Health Care Office, City Social Welfare and Development Department, Civil Registry Department, City Assessor’s Department, City Legal Department kasama si Konsehala Atty. Ricka Goco, Business Permit and Licensing Office, City Treasury Department, at City PESO.

Nakiisa din sa pagbibigay ng serbisyo ang SSS, Pag-IBIG Fund, TESDA, Philhealth, PhilSys, PNP Calapan City Police Station, Philippine Army, at BFP. Namataan din sa caravan ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Hon. Rius Agua, Hon. Rafael Panaligan, Hon. RC Concepcion, Hon. Jun Cabailo, Hon. Charles Pansoy, Hon. RL Leachon, Hon. Atty. Ricka Goco, Hon. Genie Fortu na kinamusta ang mga taga-Bayanan II.

Kasabay ng pagbibigay serbisyo ay binuksan din ang Sectoral Consultation na pinangunahan ni Mayor Morillo kasama ang mga department heads sa pangunguna ni City Administrator Reymund Al Ussa, at si DILG Calapan City Director Ivan Fadri sa Baranggay Hall ng Bayanan II. Dito ay nabigyan ng pagkakataon ang mga myembro ng Sangguniang Barangay, sa pamumuno ng kanilang kapitana na si Kgg. Maria Virginia Garcia, kasama ang ilang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor upang mailapit ang kanilang mga katanungan, hinaing, at hiling sa Pamahalaang Lungsod (Thea Marie J. Villadolid/CIO).