Bagong sasakyan para sa iba’t ibang departamento at opisina ng City Hall

Kahapon ay matagumpay po na naisagawa ang pagpapasinaya at pagbabasbas ng mga bagong sasakyan para sa iba’t ibang departamento at opisina ng City Hall. Ang seremonya ay pinangunahan ni Father Willie Abas, na nagbigay ng kanyang mga pagpapala para sa mga sasakyan. Kabuuang sampung (10) bagong Toyota Lite Ace ang atin pong na-acquire at ang unang limang (5) sasakyang nabasbasan ay para sa City Health, City Treasury, City Cooperative, City Library, at City Information Office. Ang bagong fleet ng 10 sasakyan ay inaasahang makapagpapabuti sa serbisyo at operasyon ng bawat departamento at sa pamamagitan po ng mga sasakyang ito, mas magiging madali at epektibo ang pagdadala ng mga serbisyong pangkomunidad at administratibo sa mga Calapeno.