Bagong Flatboats Handog ng BFAR sa Calapan LGU

PANOORIN | Dalawa na namang floating assets ang napadagdag sa pag-aari ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan na aambag sa

pagtitiyak na mababantayan ang dagat at lawa sa lungsod matapos pormal na isagawa kahapon, Hulyo 4, 2024 ang turn over ceremony para sa 2 units of 18 footer fiberglass reinforced plastic boat with 4 marine engines na ang bawat isa ay nagkakahalaga ng halos P125,000.