Bagong concrete pathway sa Sitio Bibihan, Brgy. Managpi, pinasinayaan

“GINAWANG HINDI IPINANGAKO” | 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗖𝗥𝗘𝗧𝗘 𝗣𝗔𝗧𝗛𝗪𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗧𝗜𝗢 𝗕𝗜𝗕𝗜𝗛𝗔𝗡, 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗣𝗜, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡

Pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 𝗮𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jel Magsuci, kasama si 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻, 𝗧𝗲𝗼𝗱𝗼𝗹𝗼 𝗠𝗮𝗰𝗮𝗿𝗮𝗶𝗴 ang isinagawang inagurasyon at pagbabasbas ng bagong 𝒄𝒐𝒏𝒄𝒓𝒆𝒕𝒆 𝒑𝒂𝒕𝒉𝒘𝒂𝒚 sa 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗕𝗶𝗯𝗶𝗵𝗮𝗻, 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗽𝗶, nitong ika-2 ng Disyembre.

Ang naturang konkretong daan ay proyekto at pinondohan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan na nagkakahalaga ng 𝗣𝗵𝗣 𝟵𝟵𝟴,𝟯𝟰𝟲,𝟱𝟲 mula sa 20% 𝑳𝒐𝒄𝒂𝒍 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑭𝒖𝒏𝒅, at iba pang Economic Development Program.

Para sa mga residente ng naturang barangay, malaking tulong ang daan na ito sa kanilang pamumuhay, dahil magbibigay ito ng kaalwanan, kaya naman lubos ang pasasalamat nila sa Pamahalaang Lungsod at kay Mayor Morillo.