Bumisita sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 “𝗕𝗶𝗺” 𝗔. 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗜𝗜, para sa pagbabasbas at paggagawad ng bagong 𝗖𝗼𝗺𝗯𝗶𝗻𝗲 𝗛𝗮𝗿𝘃𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿 na handog para sa mga huwarang magsasaka, isinagawa sa 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗜𝗜 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 nitong araw ng Biyernes, ika-3 ng Marso.

“𝑲𝒖𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒑𝒐 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒂𝒚 𝒉𝒖𝒘𝒂𝒈 𝒑𝒐 𝒌𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒉𝒊𝒉𝒊𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒔𝒂𝒍𝒊𝒕𝒂, 𝒌𝒂𝒔𝒊 𝒌𝒂𝒓𝒂𝒑𝒂𝒕𝒂𝒏 𝒏’𝒚𝒐 𝒑𝒐 𝒊𝒚𝒐𝒏, 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒑𝒐 𝒂𝒚 𝒎𝒈𝒂 𝒕𝒂𝒙𝒑𝒂𝒚𝒆𝒓, 𝒂𝒕 𝒂𝒌𝒐 𝒑𝒐 𝒕𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒂𝒚 𝒃𝒖𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒖𝒔𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒔𝒖𝒑𝒐𝒓𝒕𝒂 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐, 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒐 𝒑𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒊𝒕𝒖𝒕𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈 𝒌𝒐, 𝒈𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂𝒏 𝒌𝒐 𝒑𝒐 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒓𝒂𝒂𝒏.” — Mayor Marilou Flores-Morillo

Naging bahagi rin ng programa sina 𝗛𝗼𝗻. 𝗔𝗿𝗻𝗮𝗻 𝗖. 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝗻 (𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀𝗺𝗮𝗻, 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝗼𝗳 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼), 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗛𝗼𝗻. 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗶𝗰𝗸𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗲 𝗣. 𝗚𝗼𝗰𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗹𝗲𝗶𝗻 𝗩. 𝗦𝗲𝘃𝗶𝗹𝗹𝗮, 𝗛𝗼𝗻. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗩𝗶𝗿𝗴𝗶𝗻𝗶𝗮 𝗚𝗮𝗿𝗰𝗶𝗮 (𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻- 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗜𝗜), 𝗛𝗼𝗻. 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗲𝘀 𝗢. 𝗣𝗮𝗻𝘀𝗼𝘆 (𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻, 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲), 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗛𝗼𝗻. 𝗘𝗹𝗯𝗲𝗿𝘁𝗼 𝗗. 𝗣𝗮𝗰𝗶𝗮 (𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻, 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲), 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗠𝗿. 𝗘𝗱𝗴𝗮𝗿 𝗖. 𝗕𝗮𝗹𝗺𝗲𝘀, 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 – 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 𝗳𝗼𝗿 𝗣𝗼𝘀𝘁𝗵𝗮𝗿𝘃𝗲𝘀𝘁 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗲𝗰𝗵𝗮𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 at 𝗥𝗖𝗘𝗙, kaagapay ang ilan pa sa mga masisigasig na technician, at kawani ng Pamahalang Lungsod ng Calapan.

Sa sinabing mensahe ng butihing Ina ng Lungsod, lubos siyang nagpapasalamat sa mga naging kaagapay niya at sa naging partisipasyon ng mga taong naging parte ng matagumpay na proyektong ito.

Batid ni Mayor Morillo na malaki ang maitutulong nito sa sektor ng agrikultura, kung saan ay inaasahan na mas magiging produktibo ang mga magsasaka at higit na makatutulong ito sa kanila.

Gayundin, nagpasalamat din siya sa mga masisipag na opisyales, kawani ng Pamahalaang Lungsod, at maging sa mga masisigasig nating magsasaka, at sa mga kababaihan.