𝑷𝒊𝒏𝒂𝒌𝒂𝒎𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊, 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅-𝒄𝒍𝒂𝒔𝒔, 𝒂𝒕 𝒎𝒐𝒅𝒆𝒓𝒏𝒐.
Ganiyan kung ilarawan ang bago at pinakamalaking 𝗦𝗲𝗮𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗣𝗮𝘀𝘀𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿 𝗧𝗲𝗿𝗺𝗶𝗻𝗮𝗹 𝗕𝘂𝗶𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴 sa Lungsod ng Calapan na opisyal nang binuksan ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗣𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 at ng 𝗣𝗼𝗿𝘁 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 – 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 sa publiko nitong ika-27 ng Marso.
Pinangunahan ni 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗕𝗼𝗻𝗴 𝗚𝗼 at 𝗻𝗶 𝗣𝗣𝗔 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗝𝗮𝘆 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗶𝗮𝗴𝗼 ang Ribbon Cutting kasama sina 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗛𝘂𝗺𝗲𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼 “𝗕𝗼𝗻𝘇” 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿, 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀𝗺𝗮𝗻 𝗔𝗿𝗻𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, ang 𝗣𝗼𝗿𝘁 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿 ng 𝗣𝗠𝗢 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 na si 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗘𝗹𝘃𝗶𝘀 𝗠𝗲𝗱𝗮𝗹𝗹𝗮, at si 𝗠𝗿. 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽 𝗦𝗮𝗹𝘃𝗮𝗱𝗼𝗿 na kasama ni Senator Bong Go.
Una sa PPA at PMO Mindoro ang kapakanan ng mga pasahero kaya naman layunin nila na magbigay ng public quality service at world-class facilities sa mga byaherong pumapasok at lumalabas sa lalawigan ng Oriental Mindoro, partikular na sa Lungsod ng Calapan.
Kung noon ay nasa 500 katao lang ang kakasya sa lumang terminal at inaabot pa ng mahabang pila hanggang sa labas ng pier, ngayon nasa 𝟯,𝟱𝟬𝟬 katao ang kayang patuluyin ng terminal.
Habang naghihintay ng barko, maaaring ma-enjoy ng mga biyahero ang iba’t ibang pasilidad dahil may VIP at Conference Rooms, playroom para sa mga bata, prayer room, food stalls area, breastfeedimg station, at clinic.
Mayroong tatlong palapag, kaya naman maaaring gamitin ang 4 na elevator at 2 escalator upang mapadali ang pag-akyat at pagbaba.
Sinusulong din ng PPA ang inclusivity kaya naman mayroong comfort rooms para babae at lalaki, all gender, senior citizens at Persons with Disability.
Tamang-tama ang pagbubukas ng bagong terminal dahil paparating na ang Mahal na Araw, panahon kung kailan marami ang mga lumuluwas at uumuwi, kaya naman inaasahan na mas magiging maayos ang sitwasyon sa Calapan City Pier.
Samantala, ilan pa sa mga dumalo sa gawain ay ang Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗘𝗷𝗮𝘆 𝗙𝗮𝗹𝗰𝗼𝗻, Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶, at 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗶𝗹𝗹𝗼 ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁.















