Sa ilalim ng pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, minabuti ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗖𝗦𝗪𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗟. 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, 𝗥𝗦𝗪 na pagkalooban ng suportang ayuda ang pamilya ng mga mangingisdang apektado ng kasalukuyang oil spill sa karagatan, bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan na isinagawa nitong araw ng Lunes, ika-3 ng Abril.

Nagtungo si Mayor Morillo sa tatlong apektadong Barangay sa Lungsod, para makiisa sa aktibidad na ito, kung saan ay kabilang dito ang 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗟𝗮𝘇𝗮𝗿𝗲𝘁𝗼 na mayroon (303) tatlong daan at tatlong benepisyaryo, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 na mayroong (146) isang daan at apatnapu’t anim na benepisyaryo, at 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗦𝘂𝗾𝘂𝗶 na mayroong (39) Tatlumpu’t siyam na benepisyaryo.

Ang bawat isa ay nakatanggap ng 8 Walong kilong bigas, na mayroong kasamang pack of assorted foods na naglalaman ng mga Meat Loaf, Corned Beef, at Noodles.

Kaugnay nito, taos puso ring nagpapasalamat ang butihing Ina ng Lungsod sa pakikipagtulungan ng mga masisigasig na kasapi ng bawat Sangguniang Barangay, gayundin sa mga Punong Barangay na sina 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗟𝗮𝘀𝗰𝗼 ng Lazareto, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗥𝗼𝗯𝗲𝗿𝘁𝗼 𝗖. 𝗚𝗮𝗿𝗰𝗶𝗮 ng Parang, at 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗥𝗶𝗰𝗵𝗮𝗿𝗱 𝗔. 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗴𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻 ng Suqui.

Ayon sa butihing Ina ng Lungsod, ang ipinamahaging tulong na ayuda ay unang yugto pa lamang, kaya naman sinisikap niya kasama ang Pamahalaang Lungsod na makalikom pa ng karagdagang pondo, at suporta, upang madagdagan pa ito. Handa rin siyang tumulong sa mga mamamayan, at sa mga mangingisda, para sa kanilang pangkabuhayan.