Sa pamamagitan ni 𝗦𝗲𝗻𝗮𝗱𝗼𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿 “𝗝𝗩” 𝗘𝗷𝗲𝗿𝗰𝗶𝘁𝗼 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, ipinagkaloob sa 𝟭𝟬 Calapeño ang kani-kanilang 𝑵𝒆𝒈𝒐-𝑲𝒂𝒓𝒕𝒔 o 𝑵𝒆𝒈𝒐𝒔𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒓𝒊𝒕𝒐𝒏 mula sa 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗟𝗮𝗯𝗼𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗘𝗺𝗽𝗹𝗼𝘆𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗟𝗶𝘃𝗲𝗹𝗶𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 nitong ika-23 ng Agosto sa City Plaza Pavilion.
Dahil sa pagtutulungan ng 𝗗𝗢𝗟𝗘, 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, at 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 ay natukoy ang unang batch ng benepisyaryo ng Nego-Karts. Ang mga benepisyaryo naman ang nagdesisyon kung anong produkto ang nais nilang ibenta.
Bilang pangako na pangangalagaan ang ipinagkaloob na kabuhayan, isa-isang pumirma ng Affidavit of Undertaking ang mga benepisyaryo at naging saksi naman dito sina 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗝𝗲𝗹𝗶𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗴𝘀𝘂𝗰𝗶, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗶𝗹𝗹𝗼.
Naroon din ang iba pang mga naging instrumento sa pagsasakatuparan ng programa — 𝐷𝑂𝐿𝐸 𝑆𝑒𝑛𝑖𝑜𝑟 𝐿𝑎𝑏𝑜𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝐸𝑚𝑝𝑙𝑜𝑦𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒𝑟 𝗥𝗮𝗺𝗲𝘇𝗲𝘀 𝗥. 𝗧𝗼𝗿𝗿𝗲𝘀, 𝑆𝑒𝑟𝑏𝑖𝑠𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑇𝐴𝑀𝐴 𝑃𝑟𝑜𝑔𝑟𝑎𝑚 𝐴𝑑𝑚𝑖𝑛𝑖𝑠𝑡𝑟𝑎𝑡𝑜𝑟 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗩. 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼, 𝐶𝑇𝐼𝐷 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒𝑟 𝘼𝙢𝙤𝙧𝙢𝙞𝙤 𝘾𝙅𝙎 𝘽𝙚𝙣𝙩𝙚𝙧, 𝐶𝐴𝑂 𝐻𝑒𝑎𝑑 𝗔𝘃𝗲𝗹𝗶𝗻𝗼 𝗣. 𝗧𝗲𝗷𝗮𝗱𝗮, at 𝐶𝑖𝑡𝑦 𝐵𝑢𝑑𝑔𝑒𝑡 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒𝑟 𝗟𝗼𝗿𝗶𝗲𝘁𝗮 𝗔. 𝗚𝗮𝗹𝗶𝗰𝗶𝗮.
Magandang balita naman ang pinaabot ng Pamahalaang Lungsod dahil naghahanda na muli ng mga Nego-Karts para sa susunod na mga Calapeñong benepisyaryo.