Patuloy ang pamamahagi ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo ng mga wheelchairs at assistive devices para sa mga senior citizens at PWDs. Naging panata na ng Ina ng Lungsod ang ganitong gawain kahit pa noong wala siyang katungkulan dahil na rin sa Morillo Foundation na kanyang itinatag noong siya’y pribadong indibidwal pa lamang. Kaya’t ipinagpapatuloy lamang ni Mayor Morillo ang kanyang nasimulan sa pamamagitan naman ngayon ng Serbisyong TAMA program.