Sa pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, 70
Calapeño na benepisyaro ng “Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)” ang nakatanggap ng P3,00.00 na tulong pinansyal mula sa pondong nanggaling kay Senator Joseph Victor ‘JV’ Ejercito, ginanap sa Calapan City Hall, nitong ika-13 ng Hunyo.
Matagumpay na naisakatuparan ang nasabing aktibidad sa pangangasiwa ng Community Affairs Office, sa pamumuno ni CAO Supervising Head, Mr. Avelino P. Tejada at Serbisyong TAMA Center, sa pamumuno ni STC Program Administrator, Mr. Peter Joseph V. Dytioco, katuwang ang Department of Social Welfare (DSWD).