Itinanghal na Kampiyon at nakatanggap ng 𝗣𝟳,𝟬𝟬𝟬 ang parehong kinatawan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻, Ikalawang Pwesto at nakatanggap naman ng 𝗣𝟱,𝟬𝟬𝟬 ang male representative ng 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 at female representative ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, at nakamit naman ng male representative ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, at female representative ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝘆 ang Ikatlong pwesto kalakip ang 𝗣𝟯,𝟬𝟬𝟬.
Ayon kay 𝐶𝑖𝑡𝑦 𝐴𝑑𝑚𝑖𝑛𝑖𝑠𝑡𝑟𝑎𝑡𝑜𝑟, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, napakahalaga ng pagdiriwang ng araw ng 𝗔𝗦𝗘𝗔𝗡 na mula sa pagkakaiba-iba ay mayroong nabuong pagkakaisa, sapagkat ang selebrasyong ito ay ang pagtanaw sa kasaysayan natin, dahil para sa kanya, napakahirap tahakin ng pag-unlad ng isang bansa o ng isang pamayanan na kinakalimutan natin o hindi natin nakikilala kung sino tayo at kung ano ang tunay na pagkatao ng ating bayan.