Arts & Crafts Workshop & Basic Reading Enhancement sa Brgy. San Antonio

ICYMI | Masayang binisita ni City Mayor Marilou Flores-Morillo sa Barangay San Antonio Reading Center ang (50) kabataang aktibong

nakilahok sa aktibidad na “Arts & Crafts Workshop and Basic Reading Enhancement for Children” na isinagawa sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Public Library of Calapan, sa pamumuno ni City Librarian Ms. Claire P. Benter, RL, MLIS, ginanap nitong ika-17 ng Hulyo.