Masayang binisita ni City Mayor Marilou Flores-Morillo sa Barangay San Antonio Reading Center ang (50) kabataang aktibong nakilahok sa
aktibidad na “Arts & Crafts Workshop and Basic Reading Enhancement for Children” na isinagawa sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Public Library of Calapan, sa pamumuno ni City Librarian Ms. Claire P. Benter, RL, MLIS, ginanap nitong ika-17 ng Hulyo.
Ang nasabing aktibidad ay nakaangkla sa temang “Crafting your Way: A Personalized Artistic Journey” at “Reading Booster’s: Strengthening Comprehension and Vocabulary”, kung saan kabilang sa mga gawaing inilatag nila ay ang mga sumusunod: Beads Accessories & Diamond Painting, Heat Shrinking Art, Fabric Heat Press, at Button-Pin Making Art.
Katuwang din sa pagsasakatuparan sa nasabing aktibidad ang Sangguniang Barangay ng San Antonio, sa pamumuno ni Hon. Baby Doris M. Corcuera at iba pang mga kawani at opisyal.