Higit pang pagpapaigting ng kaalaman tungkol sa Disaster Preparedness at Risk Reduction pagdating sa
mga sakuna at kalamidad — ito ang naging layon ng isinagawang aktibidad ng CDRRMD ika-15 ng Marso sa pangunguna ni Mr. Dennis T. Escosora – City DDRM Officer. Ang naturang BDRRMC EMPOWERMENT ay paunang programa na nakapaloob sa pagdiriwang ng ika-26 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Calapan.
Ang aktibidad ay may misyong bigyan ang mga kalahok ng mga mahahalagang kasanayan at kaalaman na makakatulong sa planning, mitigation, response at recovery pagdating sa konteksto ng disaster management at preparedness.
Ayon naman kay City Mayor Malou Flores-Morillo na personal na pinaunlakan ang naturang gawain, ” Ang pagsasanay ay upang ayusin ang pagpaplano hindi lamang sa panahon ng kalamidad kundi sa development initiative ng lokal na pamahalaan. Layunin din nito na magkaroon ng technical skills at knowledge ang nasa first line of defense – at yun po ay kayong nasa barangay. “
Bilang keynote speaker, binigyang diin naman ni Ms. Nieves A. Bonifacio – Ret. Assistant Director OCD MIMAROPA, ang tungkulin at halaga ng gampanin ng mga opisyal ng barangay pagdating sa pagpapanatiling ligtas ng taumbayan sa gitna ng mga sakuna at kalamidad.
Naging highlight naman ng talakayan ang Four DRRM Thematic Areas na kinabibilangan ng mga sumusunod: Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response at Disaster Rehabilitation and Recovery.
Naroroon at nagpakita rin ng kanilang suporta sina Mr. Joseph Umali – Chief of Staff, at ABC President Mr. Dennis Rojas.