𝗦𝗲𝗻𝘀𝗲 𝗼𝗳 𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗽𝘁𝗶𝗺𝗮𝘁𝗲𝘀 (𝗦𝗢𝗟𝗢) 𝗠𝘂𝘀𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗩𝗮𝗿𝗶𝗲𝘁𝘆 𝗦𝗵𝗼𝘄

Symposium, Awarding of Livelihood Program, Raffle at Musical Variety Show. ‘𝑨𝒍𝒍 𝒊𝒏 𝑶𝒏𝒆’ yan sa 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗼𝗹𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁𝘀 na ginanap sa City Plaza Pavillion, Marso 4, 2023.

Sa pagtutuwang ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗹𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗜𝗻𝗰. sa pamumuno ni 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗠𝘀. 𝗔𝗻𝗻𝗮𝗯𝗲𝗹 𝗗𝗲𝗹 𝗥𝗶𝗼 𝗤𝘂𝗶𝘁𝗼𝘀, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮 at ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 sa pamumuno naman ni 𝗖𝗦𝗢 𝗗𝗲𝘀𝗸 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗔𝘃𝗲𝗹𝗶𝗻𝗼 𝗧𝗲𝗷𝗮𝗱𝗮 ay nagtipon ang mga Barangay Solo Parent President kasama ang mga kanilang miyembro.

Hitik sa mga aktibidad ang kanilang programa na kanilang pinamagatang 𝗦𝗢𝗟𝗢 (𝗦𝗲𝗻𝘀𝗲 𝗢𝗳 𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗽𝘁𝗶𝗺𝗮𝘁𝗲𝘀) 𝗠𝘂𝘀𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗩𝗮𝗿𝗶𝗲𝘁𝘆 𝗦𝗵𝗼𝘄 𝗜𝗜 𝗙𝗼𝗿 𝗮 𝗖𝗮𝘂𝘀𝗲. Dinaluhan ito ng mga ilang mga piling opisyales mula sa City Government sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod tulad nina 𝗛𝗼𝗻. 𝗚𝗲𝗻𝗶𝗲 𝗙𝗼𝗿𝘁𝘂, 𝗛𝗼𝗻. 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗶𝗰𝗸𝗮 𝗚𝗼𝗰𝗼 𝗮𝘁 𝗛𝗼𝗻. 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗶𝗰𝗼 𝗖𝗮𝗯𝗮𝗶𝗹𝗼, 𝗝𝗿. samantalang si 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 ay kinatawan naman ni 𝗠𝗿. 𝗕𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗗𝗲𝗹𝗶𝘇𝗼 sa nasabing okasyon.

Naroon din si 𝗕𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗝𝗼𝗰𝘆 𝗡𝗲𝗿𝗶𝗮 at 𝗠𝘀. 𝗗𝗼𝗿𝗶𝘀 𝗠𝗲𝗹𝗴𝗮𝗿, na siyang kasalukuyang Presidente ng 𝗣𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲𝘀’ 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 ng Calapan City. Malugod naman binati ni City Mayor Malou Morillo ang Federation of Solo Parent Association of Calapan City sa kanilang matagumpay na gawain. Bagamat aniya may ilan na ring mga kalalakihan na sumasasama sa grupo ng solo parent subalit karamihan sa mga miyembro nito ay mga kababaihan. Muli ay kanyang binitiwan ang mga katagang “𝑩𝒂𝒃𝒂𝒆 𝒕𝒂𝒚𝒐, 𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝑩𝒂𝒃𝒂𝒆 𝒍𝒂𝒏𝒈” na nagbibigay diin sa pantay na karapatan ng mga kababaihan. Aniya pa lagi siyang nakahandang sumuporta sa lahat ng adhikain ng samahan ng solo parents para sa kagalingan ng kanilang mga miyembro.

Para sa mini-symposium ay naging tagapagsalita dito sina 𝗠𝗿. 𝗔𝗹𝘃𝗶𝗻 𝗦𝗶𝗯𝗮𝗹, 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝟭𝘀𝘁 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 na nagbigay ng tips upang maiwasang mabiktima ng mga illegal recruiters.

Ang 𝑷𝒓𝒐𝒗𝒊𝒏𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑶𝒓𝒅𝒊𝒏𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒇𝒐𝒓 𝑺𝒐𝒍𝒐 𝑷𝒂𝒓𝒆𝒏𝒕𝒔 𝑼𝒑𝒅𝒂𝒕𝒆𝒔 ay inihatid naman ni 1st District Board Member Jocelyn Neria. Naging tagapagsalita din sa programa si 𝗠𝗿. 𝗝𝗲𝗿𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗹𝗼𝘀 𝗥𝗲𝘆𝗲𝘀, 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗟𝗲𝗴𝗶𝘀𝗹𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 V ng City Government.

Higit namang nasiyahan ang mga nagsidalo sa mga ipinagkaloob na Livelihood Intervention gaya ng dalawang Nego-cart mula sa pederasyon na napunta sa mga indigent members na sina 𝗥𝗼𝗯𝗲𝗿𝘁𝗼 𝗥𝗼𝘅𝗮𝘀 ng Barangay Sapul at 𝗔𝗻𝗶𝘄𝗮𝘆 𝗥𝗶𝘃𝗮 mula sa Barangay Patas.

Naipamahagi na rin ang mga gardening tools na ipianagkaloob ng Provincial Government at ilan pang mga regalo mula sa kanilang mga sponsors. Tatak ng bawat okasyon na isinasagawa ng Pederasyon ng Solo Parent sa lungsod ang pagtatangahal ng natatanging talento ng kanilang mga miyembro sa pamamagitan ng isang Musical Variety Show.

Sa dulong bahagi ay napili na rin ang masweswerteng nanalo sa kanilang Raffle for a cause na may grandyosong mga pa-premyo.