“𝑴𝒂𝒚 𝑲𝒂𝒑𝒂𝒏𝒔𝒂𝒏𝒂𝒏, 𝑴𝒂𝒚 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒚𝒂𝒉𝒂𝒏”.
Sino ang hindi magpupugay sa pambihirang katalinuhan ni 𝗔𝗽𝗼𝗹𝗶𝗻𝗮𝗿𝗶𝗼 𝗠𝗮𝗯𝗶𝗻𝗶 na kinilala bilang 𝑫𝒂𝒌𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝑳𝒖𝒎𝒑𝒐 at 𝑼𝒕𝒂𝒌 𝒏𝒈 𝑹𝒆𝒃𝒐𝒍𝒖𝒔𝒚𝒐𝒏. Idolo hindi lamang ng 𝗣𝗪𝗗𝘀 kundi, higit sa lahat, ng sambayanang Pilipino.
“𝑳𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒓𝒆𝒔𝒑𝒐𝒏𝒔𝒊𝒃𝒊𝒍𝒊𝒅𝒂𝒅 𝒏𝒂 𝒕𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒑𝒊𝒏 𝒂𝒕 𝒊𝒍𝒂𝒉𝒐𝒌 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕, 𝒑𝒂𝒕𝒊 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒕𝒂𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒏𝒔𝒂𝒏𝒂𝒏. 𝑴𝒂𝒍𝒊𝒍𝒊𝒊𝒕 𝒏𝒂 𝒃𝒂𝒈𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈, 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈 𝒈𝒊𝒏𝒂𝒘𝒂 𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒈𝒎𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒕𝒂𝒑𝒂𝒕𝒂𝒏-𝒎𝒂𝒊𝒑𝒂𝒅𝒂𝒓𝒂𝒎𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒕𝒊𝒅 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒏𝒔𝒂𝒏𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒔𝒊𝒍𝒂 𝒂𝒚 𝒌𝒂𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈.” – Ito ang mensaheng ibinahagi ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa naganap na Araw ng mga PWDs.
Layon ng naturang gawain sa pamumuno ni 𝗠𝗿. 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗠. 𝗔𝗴𝘂𝗮, 𝗝𝗿. -𝗣𝗗𝗔𝗢 𝗛𝗲𝗮𝗱, ang pagdakila sa kalagayan ng mga kapatid nating may kapansanan, dahil sa mga kapuri-puri nilang mga katangian at karunungan sa iba’t ibang larangan.
Pahayag naman ni 𝗖𝗦𝗪𝗗𝗢 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, 𝗥𝗦𝗪, “𝑴𝒂𝒕𝒂𝒚𝒐𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒏𝒔𝒂𝒏𝒂𝒏. 𝑳𝒂𝒈𝒊 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝑷𝑾𝑫𝒔 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒘𝒊𝒏𝒈 𝑯𝒖𝒍𝒚𝒐 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒂𝒏 𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒔𝒖𝒎𝒂𝒔𝒂𝒌𝒐𝒑 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕𝒂 𝒔𝒂 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑫𝒊𝒔𝒂𝒃𝒊𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑷𝒓𝒆𝒗𝒆𝒏𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝑹𝒆𝒉𝒂𝒃𝒊𝒍𝒊𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑾𝒆𝒆𝒌, 𝒌𝒖𝒏𝒅𝒊 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒕𝒂𝒐𝒏. 𝑨𝒕 𝒏𝒂𝒓𝒂𝒓𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒏𝒔𝒂𝒏𝒂𝒏 𝒂𝒚 𝒍𝒂𝒈𝒊 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒌𝒂𝒕𝒖𝒑𝒂𝒓𝒂𝒏.”
Ang Araw ng mga PWDs ay naging hitik sa aktibidad gaya ng PWD Exhibition and Friendly Games na kinapalooban naman ng Weight Lifting, Drawing, Badminton, Table Tennis, Chess at gayundin ng Talent Showcase ng ating mga kapatid na PWDs na hindi naman maikakailang lubos na nagbigay kasiyahan at nagpahanga sa mga naroroon at nakapanuod. Tunay naman talagang masasabing – sila ay may “𝑲” o angking katalinuhan, kakayahan, kagalingan at kahusayan!





