Muling nagtipon sa isang araw na puno ng makukulay na gawain ang mga kasapi ng kooperatiba sa buong Lungsod ng Calapan upang ipagdiwang ang kanilang espesyal na selebrasyon.

Ang 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗗𝗮𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟯 ay sinimulan sa pamamagitan ng isang Banal na Misa ng Pasasalamat, Sto. Niño Cathedral noong Marso 10, 2023. Sa Calapan City Plaza Pavilion ay isinagawa ang simple ngunit makabuluhang programa na pinangasiwaan ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 na pinamumunuan ni 𝗢𝗜𝗖-𝗖𝗖𝗖𝗗𝗢 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗼𝗿 𝗩. 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗿𝗮.

Bilang hudyat ng pormal na pagbubukas ng programa ay binigyang daan ni 𝗠𝗿. 𝗗𝗲𝗻𝗶𝘀𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗚𝗮𝘀𝗶𝗰, 𝗖𝗔𝗟𝗦𝗘𝗗𝗘𝗖𝗢/𝗖𝗖𝗖𝗗𝗖 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 ang pagbibigay pugay sa nagsidalong mga panauhin.

Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan ay dumalo dito si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 na na nagpaabot ng kanyang pagbati sa mga kasapi ng kooperatiba. Hindi man nakadalo si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa gawain ay kinatawan naman ito ng kanyang kapatid na si 𝗠𝘀. 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗦𝘆 upang ipaabot ang kanyang taus-pusong pakikiisa sa mahalagang okasyon na ito ng Cooperative Day. Kinikilala ni Mayor Malou ang mahalagang kontribusyon ng mga kooperatiba sa pangkalahatang paglago ng ekonomiya ng lungsod.

Dito ay inanunsyo na rin ang tatlong mapapalad na benipisyaryo ng 𝑷20,000 𝒇𝒊𝒏𝒂𝒏𝒄𝒊𝒂𝒍 𝒂𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆, sila ay ang 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲𝘀 (𝗠𝗜𝗙𝗘𝗗𝗖𝗢), 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗧𝗼𝘄𝗻 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 (𝗖𝗧-𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗖𝗢), at 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗘𝗺𝗽𝗼𝘄𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗲𝗻̃𝗼𝘀 𝗖𝗿𝗲𝗱𝗶𝘁 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 (𝗥𝗘𝗠𝗜𝗖𝗖𝗢).

Binigyang daan din sa gawain ang GAD Forum na isinakatuparan ni 𝗠𝘀. 𝗙𝗮𝘁𝗶𝗺𝗮 𝗖𝗮𝘀𝘂𝗮𝗹, 𝗖𝗗𝗦 𝗜𝗜 mula sa 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆. Kasunod nito ay inilunsad naman ang ‘𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍 𝒔𝒂 𝑵𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒈 𝑻𝒂𝒈𝒂𝒑𝒂𝒎𝒂𝒏𝒊𝒉𝒂𝒍𝒂 (𝑮𝒆𝒏𝒆𝒓𝒂𝒍 𝑴𝒂𝒏𝒂𝒈𝒆𝒓) 𝒏𝒈 𝑲𝒐𝒐𝒑𝒆𝒓𝒂𝒕𝒊𝒃𝒂’.

Samantala, dahil kasabay na ipinagdiriwang din ngayong Marso ang ‘𝑾𝒐𝒎𝒆𝒏𝒔 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒉’ ay naging tampok sa Cooperative Day 2023 ang ‘𝑹𝒆𝒄𝒐𝒈𝒏𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒇 𝑾𝒐𝒎𝒆𝒏 𝑪𝒐𝒐𝒑 𝑳𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓𝒔’, na kung saan dito ay kinilala ang walong kababaihang miyembro ng kooperatiba na kinabibilangan nina:

• 𝗧𝗲𝗿𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗨𝗹𝗶𝗽 (Gabay sa Kaunlaran Agriculture Cooperative)

• 𝗠𝗮. 𝗟𝗶𝘀𝘀𝗮 𝗔𝗯𝗮𝘀 (Calapan Vendors Multi-Purpose Cooperative)

• 𝗟𝗶𝗮𝗻𝗻𝗶𝗲 𝗣𝗲𝗿𝗮𝗷𝗮 (ORMECO Employees Multi-Purpose Cooperative)

• 𝗟𝗲𝗶𝗹𝗮𝗻𝗶𝗲 𝗖𝘂𝗮𝘀𝗮𝘆 (Holy Infant Academy Employees Credit Cooperative)

• 𝗠𝗮𝗿𝗷𝗼𝗿𝗶𝗲 𝗖𝘂𝗮𝘀𝗮𝘆 (Calapan Labor Service Development Cooperative)

• 𝗘𝘂𝗴𝗲𝗻𝗶𝗮 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮 (Sta. Rita Multi-purpose Cooperative)

• 𝗟𝗶𝗹𝗶𝗮𝗻 𝗩𝗮𝗹𝗹𝗮𝗱𝗮 (Mindoro State University Employees Multi-Purpose Cooperative)

• 𝗣𝗲𝗿𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗔𝗹𝗺𝗼𝗻𝗲𝗱𝗮 (Steward-Leader Multi-Purpose Cooperative)