Nagpakitang gilas sa pag-indak ang bibong bibong mga batang mula sa Day Care Center sa iba’t ibang Barangay na suportado ng kani-kanilang mga magulang, at guro sa ginanap na 𝗕𝘂𝗹𝗶𝗹𝗶𝘁 𝗗𝗮𝘆 (𝗙𝗶𝗲𝗹𝗱 𝗗𝗲𝗺𝗼) 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 na nakaangkla sa “𝑨𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑩𝒂𝒕𝒂”, bilang bahagi ng pagdiriwang sa 𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗖𝗶𝘁𝘆𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 na isinagawa sa Oriental Mindoro National High School Oval & Grandstand nitong araw ng Sabado, ika-11 ng Marso.

Sa ilalim ng pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 “𝗕𝗶𝗺” 𝗔. 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼, at sa tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pangunguna ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗖𝗦𝗪𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗟. 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, 𝗥𝗦𝗪, matagumpay na naisagawa ang makabuluhang gawain na nagbigay kasiyahan sa mga bata, at maging sa mga matatanda.

Naging bahagi rin sa programang ito sina 𝗖𝗗𝗪 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗠𝘀. 𝗚𝗿𝗲𝗴𝗼𝗿𝗶𝗮 𝗖. 𝗠𝗮𝗴𝗻𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗛𝗼𝗻. 𝗚𝗲𝗻𝗶𝗲 𝗥. 𝗙𝗼𝗿𝘁𝘂, 𝗠𝘀. 𝗚𝗿𝗮𝗰𝗶𝗲𝗹𝗮 𝗔. 𝗔𝗯𝗲𝗹𝗹𝗮𝗿, 𝗥𝗦𝗪 (𝗦𝗪𝗢 – / 𝗘𝗖𝗖𝗗 𝗙𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻), at 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝗲𝗹 𝗖𝗼𝗿𝘁𝗲𝘇𝗮 na nagsilbing Master of Ceremony.

Pitong Cluster ang nagpasiklaban sa kani-kanilang mga inihandang sayaw, kung saan ang bawat isang pangkat ay binubuo ng mga miyembro na mula sa iba’t ibang Barangay sa Lungsod ng Calapan.

Masaya at masiglang ibinahagi ng mga batang kalahok sa madlang manonood ang kanilang natatanging talento, at hindi sila nagpaawat sa kanilang pagsayaw, suot ang kanilang makukulay na kasuotan at kagamitan sa pagtatanghal.

Kabilang sa mga kapita-pitagang hurado sa paligsahan sina 𝗠𝗿. 𝗝𝗲𝗿𝗼𝗺𝗲 𝗕𝗮𝗿𝗰𝗲𝗹𝗼𝗻𝗮 𝗝𝗿., 𝗠𝗿. 𝗥𝗮𝘆𝗺𝗼𝗻𝗱 𝗠𝗲𝗻𝗱𝗼𝘇𝗮, at 𝗠𝘀. 𝗙𝗮𝘆𝗲 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗶𝗴𝗮𝗹.

Matapos ang naging pasiklaban ng bawat magkakatunggaling grupo ng mga bata, nakamit ng 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝟰 ang Ikalimang Pwesto, at nakatanggap sila ng 𝗣𝗵𝗽 𝟳,𝟬𝟬𝟬. Kabilang sa pangkat na ito ang 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝘂𝗾𝘂𝗶, 𝗦𝗶𝗹𝗼𝗻𝗮𝘆, 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴, 𝗔𝗯𝗮𝘁𝗼𝗻, 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗼𝗼𝗸 𝗣𝗮𝗹𝗵𝗶, 𝗣𝗮𝗹𝗵𝗶 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝗿, 𝗦𝗮𝗽𝘂𝗹, at 𝗚𝘂𝗶𝗻𝗼𝗯𝗮𝘁𝗮𝗻.

Ang 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝟱 naman ang nakasungkit ng Ikaapat na Pwesto, kung saan ay nakatanggap naman sila ng 𝗣𝗵𝗽 𝟴,𝟬𝟬𝟬. Kabilang sa pangkat na ito ang 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗼𝗺𝘂𝗻𝗮𝗹, 𝗕𝗶𝗴𝗮, 𝗕𝘂𝗰𝗮𝘆𝗮𝗼, 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗽𝗶, 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝘀, 𝗣𝘂𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗯𝗶𝗴, 𝗕𝗮𝘁𝗶𝗻𝗼 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝗿, 𝗠𝗮𝗹𝗮𝗱, 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗜, 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗜𝗜, 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗗𝗮𝗹𝗶𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗶𝗻𝗼, at 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗖𝗼𝗿𝗲 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗜𝗜.

Hindi nagpahuli ang 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝟮 na nailuklok sa Ikatlong Pwesto, dahilan para makuha nila ang nagkakahalagang 𝗣𝗵𝗽 𝟭𝟬,𝟬𝟬𝟬. Kabilang sa pangkat na ito ang 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗟𝗮𝗹𝘂𝗱, 𝗖𝗮𝗺𝗶𝗹𝗺𝗶𝗹, 𝗟𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗧𝗮𝘄𝗶𝗿𝗮𝗻, 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗽𝗶𝘁, 𝗦𝘁𝗼 𝗡𝗶𝗻̃𝗼 𝗡𝗮𝗰𝗼𝗰𝗼, 𝗕𝘂𝗹𝘂𝘀𝗮𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝗿, at 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗖𝗼𝗹𝗼 𝗖𝗼𝗹𝗼 𝗕𝘂𝗹𝘂𝘀𝗮𝗻.

Buong galak na ipinagbunyi ng 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝟯 ang kanilang naging pagkapanalo, nang makapasok sila sa Ikalawang Pwesto, at makuha ang 𝗣𝗵𝗽 𝟭𝟯,𝟬𝟬𝟬. Kabilang sa pangkat na ito ang 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗟𝗮𝘇𝗮𝗿𝗲𝘁𝗼, 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼, 𝗦𝗮𝗹𝗼𝗻𝗴, 𝗖𝗮𝗹𝗲𝗿𝗼, 𝗜𝗹𝗮𝘆𝗮, 𝗟𝗶𝗯𝗶𝘀, 𝗜𝗯𝗮𝗯𝗮 𝗘𝗮𝘀𝘁, at 𝗜𝗯𝗮𝗯𝗮 𝗪𝗲𝘀𝘁.

Sa huli, itinanghal na Kampyon ang 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝟳 kalakip ang nagkakahalagang 𝗣𝗵𝗽 𝟭𝟱,𝟬𝟬𝟬, bilang gantimpala sa ipinakita nilang husay sa pagtatanghal. Kabilang sa pangkat na ito ang 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗕𝗮𝗿𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝗿, 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗜, 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗡𝗮𝗴𝗮 𝗕𝗮𝗿𝘂𝘆𝗮𝗻, 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗜 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝗿, 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗜, 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗣𝗮𝗷𝗼 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗜 , 𝗦𝘁𝗮. 𝗥𝗶𝘁𝗮, 𝗣𝗮𝘁𝗮𝘀, 𝗠𝗮𝗹𝗮𝗺𝗶𝗴, 𝗧𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻, at 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻.