MALOUpit Na Ngiti, Kasama Kang Pinili

PANOORIN | Damang dama ng mga kabataang Calapeno ang kalinga at malasakit ng ina ng lungsod na si City Mayor Marilou Flores-

Morillo sa pagdiriwang ng “Araw ng mga Bata 2024” na ginanap sa Barangay Mahal na Pangalan, nitong ika-5 ng Hulyo.
Bida at nag-enjoy sa araw na ito ang mga bibong-bibong chikiting na masayang nakilahok sa mga inilatag na gawain, katulad ng iba’t ibang klase ng mga palaro, kalakip ang mga libreng pagkain at pagkakaloob ng mga kapaki-pakinabang na gamit, sa tulong ng programang “MALOUpit na Ngiti, Kasama kang Pinili” ni Mayor Morillo.