๐—ง๐—›๐—”๐—ก๐—ž๐—ฆ๐—š๐—œ๐—ฉ๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฆ๐—ฆ ๐—”๐—ก๐—— ๐—š๐—ฅ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐——๐—˜

“๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’๐’‚๐’๐’‚๐’Œ๐’ƒ๐’‚๐’š ๐’•๐’–๐’๐’ˆ๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’–๐’๐’•๐’Š๐’‚๐’, ๐‘จ๐’”๐’†๐’๐’”๐’‚๐’…๐’, ๐’‚๐’• ๐‘ฒ๐’–๐’Ž๐’‚๐’Œ๐’‚๐’๐’Š๐’๐’ˆ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’‚๐’๐’‚๐’‘๐’‚๐’!”

Bilang pagdiriwang sa ika-25 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod ng Calapan, binigyang daan ng Pamahalaang Lungsod ang pagsasagawa ng “๐‘ป๐’‰๐’‚๐’๐’Œ๐’”๐’ˆ๐’Š๐’—๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’”๐’”” na idinaos sa Sto. Niรฑo Cathedral Calapan City, nitong araw ng Martes, ika-21 ng Marso.

Sa pangunguna ni ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜‚ ๐—™๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€- ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น๐—ผ, at ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ฒ๐—น “๐—•๐—ถ๐—บ” ๐—”. ๐—œ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ผ, nagtipon-tipon ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, kasama ang mga City Councilor, Department Heads, Program Managers, at maging ang mga huwarang Guro, para makiisa sa Banal na Misa.

Para kay ๐—ฉ๐—ฒ๐—ฟ๐˜† ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ. ๐—™๐—ฟ. ๐—ก๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—. ๐—”๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฎ, napakaganda ng ating tema para sa taong ito na “Paglalakbay tungo sa Isang Luntian, Asensado, at Kumakalingang Calapan!”, kaya sikapin natin na sa ating paglalakbay, mas makabubuti kung walang maiiwan. Huwag nating hahayaang mawala ang pagiging luntian ng minamahal nating Lungsod ng Calapan, kaya naman kinakailangan na mahalin, pangalagaan, at ingatan din natin ang ating Inang kalikasan na siyang palagi nating kaagapay sa kaunlaran.

Matapos ang Misa, nagsagawa rin ng isang “๐‘ฎ๐’“๐’‚๐’๐’… ๐‘ท๐’‚๐’“๐’‚๐’…๐’†” na nilahukan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Morillo at Vice Mayor Ignacio.

Sinisimbolo ng sama-samang paglalakad sa paradang ito ang paglalakbay, at pagkakaisa ng mga Calapeรฑo sa pagharap sa hamon ng buhay, patungo sa isang luntian, asensado, at kumakalingang Calapan, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng ating kulay, kulay na tumutukoy sa ating natatanging pagkatao.

Dagdag pa rito, nagpasalamat din ang butihing Ina ng Lungsod sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod na kanyang nakasama, at naging kaagapay sa kanyang administrasyon, gayundin sa mga naunang Lider at Punong Lungsod na naging haligi ng Calapan.