Nakapiit man sila subalit katulad nating lahat, sila ay may mga karapatan din.

Ang ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฏ ๐‘ท๐’†๐’“๐’”๐’๐’๐’” ๐‘ซ๐’†๐’‘๐’“๐’Š๐’—๐’†๐’… ๐’๐’‡ ๐‘ณ๐’Š๐’ƒ๐’†๐’“๐’•๐’š (๐‘ท๐‘ซ๐‘ณ) na ngayon ay nakakulong sa ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐—๐—ฎ๐—ถ๐—น ay kasama din sa binigyang pansin sa mga programang nakalinya sa ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ ๐—”๐—ป๐—ป๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—–๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ng Calapan City.

Sa ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป na isinagawa sa Calapan CityDistrict Jail, Barangay Sapul Calapan City, Marso 7, 2023 ay samu’t saring ayuda at serbisyo ang ipinagkaloob sa mga PDL ng nasabing piitan.

Sa pagbubukas ng programa ay malugod na binati at pinasalamatan ni ๐—๐—ฎ๐—ถ๐—น ๐—ช๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป, ๐—๐—–๐—œ๐—ก๐—ฆ๐—ฃ ๐——๐—”๐—ฉ๐—œ๐—— ๐—๐—”๐— ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ ang mga panauhin at mga personalidad na naging susi upang maisakatuparan ang outreach program na ito.

Kabilang sa mga naging kabahagi sa programa ay sina ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐˜‚ ๐—™๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€-๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น๐—ผ, ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ ๐—”๐˜๐˜๐˜†. ๐—ฅ๐—ฒ๐˜† ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฒ๐—น ๐—”๐—ฐ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—น๐—น๐—ผ, ๐—ฃ๐—”๐—ข ๐—–๐—ต๐—ถ๐—ฒ๐—ณ ๐—”๐˜๐˜๐˜†. ๐—ญ๐—ผ๐˜€๐—ถ๐—บ๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐˜‡๐—ฎ, ๐—ฅ๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—–๐—น๐˜‚๐—ฏ ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฟ. ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ผ๐—ฑ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ผ ๐—š๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฒ๐˜‡ at mga Dentista mula sa ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐——๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—”๐˜€๐˜€๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—ฟ.

Para sa ๐‘ณ๐’†๐’ˆ๐’‚๐’ ๐‘ช๐’๐’๐’”๐’–๐’๐’•๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ na pinangasiwaan ng ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ katuwang ang ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—”๐˜๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜†๐˜€ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ (๐—ฃ๐—”๐—ข) ay nabigyan ng legal consultation ang mga nangangailangan ng libreng legal advice na bilanggo.

Upang tugunan naman ang problema sa oral health ng mga ito ay hatid ng Philippine Dental Association ang libreng bunot at linis ng ngipin.

Samantala magkatuwang na ipinagkaloob nina City Mayor Morillo at ni Engr. Gutierrez ang mga hygiene kits, gamot at vitamins na kinakailangan din ng mga preso. Naipagkaloob na rin ang sa kanila ang donasyong karagdagang higaan na ipinangako ni Mayor Malou noong huling pagbisita niya sa nasabing kulungan.

Sinabi ni City Mayor Malou sa kanyang mensahe na ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan ay laging nakahandang umagapay sa pangangailangan ng mga PDL sa Calapan City District Jail lalo na sa usapin ng kanilang kalusugan.

Hangad ng Punong Lungsod ang ganap na pagbabago ng bawat isang PDL tungo sa ikagaganda ng kanilang buhay matapos na sila ay dumaan sa mahabang proseso ng repormasyon sa loob ng piitan.

Mababakas sa mukha ng mga PDL ang kagalakan dahil batid nila na hindi sila pinapabayaan ng ating Pamahalaan sa sitawasyong kanilang kinasadlakan at sa tulong ng mga samahan at indibidwal ay natutugunan ang kanilang mga pangangailangang pangkatarungan.

๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ž ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก: ๐—ฃaglalakbay tungo sa ๐—œsang ๐—Ÿuntian, ๐—”sensado, at ๐—žumakalingang Calapan!

๐‘ป๐’‰๐’† 25๐’•๐’‰ ๐‘ช๐’Š๐’•๐’š๐’‰๐’๐’๐’… ๐‘จ๐’๐’๐’Š๐’—๐’†๐’“๐’”๐’‚๐’“๐’š ๐’๐’‡ ๐‘ช๐’‚๐’๐’‚๐’‘๐’‚๐’!