“𝑷𝒂𝒈𝒃𝒂𝒕𝒊 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒈𝒘𝒂𝒈𝒊 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒍𝒊𝒈𝒔𝒂𝒉𝒂𝒏! 𝑻𝒖𝒏𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒉𝒂𝒈𝒊 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒔𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒍𝒊𝒈𝒊𝒓𝒂𝒏.”

Ginawaran ng “Plaque of Recognition” at “Cash Incentive” ang mga natatanging mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan na nagwagi sa “𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗤𝘂𝗶𝘇 𝗕𝗲𝗲” sa New City Hall, Barangay Guinobatan, nitong araw ng Lunes, ika-27 ng Marso.

Matatandaan na nitong ika-11 ng Marso 2023, nagkaroon ng “Environmental Quiz Bee” na naisakatuparan sa tulong ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na pinangasiwaan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗖𝗘𝗡𝗥𝗗) na pinamumunuan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗡𝗥𝗢 𝗠𝗿. 𝗪𝗶𝗹𝗳𝗿𝗲𝗱𝗼 𝗚. 𝗟𝗮𝗻𝗱𝗶𝗰𝗵𝗼, katuwang ang 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻, sa pamamagitan ni 𝗠𝘀. 𝗡𝗼𝗶𝗱𝗮 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗿𝗼 na kasalukuyang 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗼𝗿 𝗶𝗻 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲.

Para sa “𝑬𝒍𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕𝒂𝒓𝒚 𝑳𝒆𝒗𝒆𝒍”, itinanghal na 𝟯𝗿𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲𝗿 si 𝗠𝘀. 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮 𝗡𝗶𝗰𝗼𝗹𝗲 𝗦. 𝗕𝗮𝗴𝗮𝗻𝗼 mula sa 𝗛𝗼𝗹𝘆 𝗜𝗻𝗳𝗮𝗻𝘁 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆, 𝟮𝗻𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲𝗿 si 𝗠𝗿. 𝗔𝗿𝗸𝗶𝗻 𝗥𝗮𝗳𝗮𝗲𝗹 𝗦𝗼𝗹𝗶𝘀 ng 𝗔𝗱𝗿𝗶𝗮𝘁𝗶𝗰𝗼 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, at 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 si 𝗠𝗿. 𝗦𝗵𝗮𝘄𝗻 𝗞𝗲𝗻𝗱𝗿𝗶𝗰𝗸 𝗩. 𝗚𝗮𝗻𝘇𝗼𝗻 na mula rin sa 𝗛𝗼𝗹𝘆 𝗜𝗻𝗳𝗮𝗻𝘁 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆.

Samantala, para naman sa “𝑺𝒆𝒄𝒐𝒏𝒅𝒂𝒓𝒚 𝑳𝒆𝒗𝒆𝒍”, itinanghal na 𝟯𝗿𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲𝗿 si 𝗠𝗿. 𝗦𝗶𝗺𝗼𝗻 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮 ng 𝗛𝗼𝗹𝘆 𝗜𝗻𝗳𝗮𝗻𝘁 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆, 𝟮𝗻𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲𝗿 naman si 𝗠𝗿. 𝗡𝗲𝗰𝘀𝗼𝗻 𝗗𝗮𝗿𝘆𝗹 𝗘𝘀𝘁𝗼𝗹𝗲 na mula sa 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, at 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 si 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗔𝗻𝗴𝗲𝗹 𝗙𝗿𝗶𝘁𝘇 𝗕𝗮𝘆𝗹𝗼𝗻 na kapwa mula rin sa 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹.

Ang mga nagwagi ay nakatanggap ng Plaque of Recognition at Cash Incentive na 𝗣𝗵𝗽 𝟯,𝟱𝟬𝟬, 𝗣𝗵𝗽 𝟰,𝟱𝟬𝟬, at 𝗣𝗵𝗽 𝟲,𝟬𝟬𝟬 ayon sa pagkakasunod-sunod. Ang kanilang mga Teacher/Coach ay pinagkalooban din ng insentibo, bilang pagkilala sa kanilang ginawang paggabay, at paghubog sa kanilang mga pambato.