𝗖𝗜𝗧𝗬𝗪𝗜𝗗𝗘 𝗖𝗔𝗟𝗜𝗕𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗪𝗘𝗜𝗚𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗔𝗟𝗘𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟯
Bilang bahagi ng pagdiriwang sa “25𝒕𝒉 𝑪𝒊𝒕𝒚𝒉𝒐𝒐𝒅 𝑨𝒏𝒏𝒊𝒗𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏”, sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod, sa ilalim ng pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀- 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, ang mga kawani sa tanggapan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗘𝗻𝘁𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 – 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 na pinamumunuan ni 𝗖𝗘𝗘𝗗 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿 𝗘𝗻𝗣. 𝗡𝗲𝗽𝗼 𝗝𝗲𝗿𝗼𝗺𝗲 𝗚. 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 ay nagsagawa ng “𝑪𝒊𝒕𝒚𝒘𝒊𝒅𝒆 𝑪𝒂𝒍𝒊𝒃𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝑹𝒆𝒈𝒊𝒔𝒕𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏” ng mga timbangan na ginagamit sa pagnenegosyo, na ginanap sa Pampublikong Pamilihan ng Lungsod ng Calapan, nitong araw ng Biyernes, ika-17 ng Marso.
Ang isinagawang aktibidad na ito na nakaangkla sa “𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮𝗻” ay alinsunod sa mga nakapaloob na Probisyon sa “2012 𝑹𝒆𝒗𝒆𝒏𝒖𝒆 𝑪𝒐𝒅𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝒐𝒇 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏”.
Dito ay hinikayat nila ang bawat indibidwal, gayundin ang mga nagtitinda sa palengke na iparehistro sa kanilang tanggapan ang ginagamit nilang timbangan sa pagnenegosyo, upang masiguro na ito ay nagtatala ng tamang timbang, para na rin sa kapakanan ng mga mamimili, at upang maiwasan ang pagkumpiska sa depektibo, at hindi nakarehistro na mga timbangan.
Ang ganitong aktibidad ay mariing sinusuportahan ni Mayor Morillo, sapagkat batid niyang mayroon itong malaking maitutulong sa taumbayan, at sa pamamagitan nito ay mapapanatili ang kaayusan sa pagitan ng mga nagtitinda, at ng mga mamimili.
Nais din niyang ipaabot ang kanyang lubos na pasasalamat sa mga masisipag na kawani ng CEED – Calapan City, at ng Pamahalaang Lungsod, gayundin kay City Economic Enterprise Department Manager EnP. Nepo Jerome G. Benter, para sa kanilang walang patid na paghahatid ng tamang serbisyo para sa mga mamamayan.



