𝗖𝗔𝗟𝗔𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗖𝗢𝗡𝗩𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗘: 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟯

“𝑺𝒂𝒃𝒊 𝒏𝒈𝒂 𝒏𝒊 𝑫𝒓. 𝑱𝒐𝒔𝒆 𝑹𝒊𝒛𝒂𝒍, “𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒔𝒂 𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏”, 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒘𝒂𝒍𝒂 𝒌𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏, 𝒎𝒂𝒉𝒊𝒉𝒊𝒓𝒂𝒑𝒂𝒏 𝒌𝒂𝒎𝒊 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒏𝒂𝒎𝒊𝒏 𝒑𝒂𝒈𝒂𝒈𝒂𝒍𝒂𝒘𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒖𝒏𝒅𝒐, 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒈𝒃𝒊𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒔𝒑𝒊𝒓𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒔𝒂 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒖𝒑𝒐 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒎𝒂𝒕𝒖𝒍𝒖𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒂𝒎𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒊𝒔𝒂 𝒏𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒎𝒂𝒎𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒕𝒊𝒓𝒂 𝒓𝒊𝒕𝒐 𝒔𝒂 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏.” — Mayor Marilou Flores-Morillo

Nakiisa si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa “𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗖𝗼𝗻𝘃𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝗲: 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟯,” na nakaangkla sa “𝑨𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏” bilang bahagi ng pagdiriwang sa “25𝒕𝒉 𝑪𝒊𝒕𝒚𝒉𝒐𝒐𝒅 𝑭𝒐𝒖𝒏𝒅𝒊𝒏𝒈 𝑨𝒏𝒏𝒊𝒗𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏” na ginanap sa City College of Calapan Kalap Hall, Barangay Guinobatan, nitong araw ng Linggo, ika-19 ng Marso.

Ayon sa deskripsyong nakasaad sa opisyal na pahina ng SK Calapan City, ang Youth Convergence ay isang Voters’ Education at Capability Building Activity na layuning bigyang kaalaman, at linangin ang kakayahan ng mga kabataan, upang maging responsableng botante, at lingkod-bayan sa hinaharap.

Ang aktibidad na ito ay handog ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa Pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 “𝗕𝗶𝗺” 𝗔. 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼, kasama ang lahat ng mga bumubuo sa 9th Sangguniang Panlungsod, sa pamamagitan ng City Youth and Sports Development Department na pinamumunuan ni C𝗬𝗦𝗗𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗟. 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻, Sangguniang Kabataan na pinamumunuan ni 𝗦𝗞 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗛𝗼𝗻. 𝗡𝗼𝗲𝗹 𝗖. 𝗖𝗶𝗿𝘂𝗷𝗮𝗻𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹, 𝗔𝗱𝗵𝗶𝗸𝗮 𝗣𝗵 𝗜𝗻𝗰., at 𝗙𝗮𝘁𝗯𝗼𝗶 𝗖𝗿𝗲𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲𝘀.

Kabilang sa mga lider-Kabataan, na nagsilbing tagapagsalita ay mula sa Adhika Ph Inc. at Fatboi Creatives, kung saan ay tinalakay, at binigyang pansin nila ang tungkol sa “𝗜𝗻𝘁𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘁𝗼 𝗕𝗦𝗞𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟯, 𝗥𝗔 𝟭𝟬𝟳𝟰𝟮, & 𝗥𝗔 𝟭𝟭𝟳𝟲𝟴 / 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴”, sa pamamagitan ni 𝗠𝘀. 𝗙𝗲𝗿𝗿𝘆 𝗜𝗿𝗶𝘀𝗵 𝗠𝗮𝘆 𝗛. 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗶𝗮𝗴𝗼, “𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽”, sa pamamagitan ni 𝗠𝗿. 𝗝𝗲𝗿𝘂𝘀 𝗝𝗮𝗱𝗲 𝗕. 𝗥𝗲𝘆𝗲𝘀, “𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁”, sa pamamagitan ni 𝗠𝘀. 𝗚𝘂𝗶𝗹𝗶𝗮𝗻𝗻𝗲 𝗔𝗹𝗲𝘀𝘀𝗮𝗻𝗱𝗿𝗮 𝗔𝗹𝗮 𝗟𝗼𝗴𝗺𝗮𝗼, “𝗠𝗲𝗱𝗶𝗮 𝗮𝗻𝗱 𝗕𝗿𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴”, sa pamamagitan ni 𝗠𝗿. 𝗗𝗮𝘃𝗲 𝗔. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁𝗼𝗻, at “𝗧𝗵𝗲 𝗕𝗦𝗞𝗘 𝗖𝗵𝗲𝗰𝗸𝗹𝗶𝘀𝘁: 𝗧𝗵𝗲 𝟱𝗪𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝟭𝗛 𝗼𝗳 𝗩𝗼𝘁𝗶𝗻𝗴”, sa pamamagitan ni 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗣. 𝗚𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝗼.

Mahigit sa 200 na kabataan ang lumahok at nakiisa sa makabuluhang aktibidad na naging matagumpay, dahil sa pagtutulungan at pagsisikap ng mga namumuno rito, at maging ng mga kabataang humihigit sa kanilang kapwa patungo sa pagbabago.

Taos puso ring nagpapasalamat si Mayor Morillo kay Hon. Noel C. Cirujano, dahil sa kanyang buong puso at bukas palad na pamamahala para matugunan ang pangangailangan ng mga kabataan.