𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧 𝟮𝟬𝟮𝟯

Nakiisa at nakisaya sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 “𝗕𝗶𝗺” 𝗔. 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 sa 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑵𝒊𝒈𝒉𝒕 2023 para sa isang makabuluhang kasiyahan sa “𝑨𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚” na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang sa 𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗖𝗶𝘁𝘆𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 na ginanap sa Governor Alfonso Umali Sr. Gymnasium sa Oriental Mindoro National High School, nitong gabi ng Biyernes, ika-17 ng Marso.

Naging bahagi rin ng aktibidad na ito si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, kasama ang ilan sa mga Department Head, City Councilors, mga Punong Barangay, at maging ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan.

Nagmistulang mabulaklak at makulay na paraiso ang lugar pinagdausan ng programa, dahil sa kani-kanilang mga naggagandahang mga kasuotan, alinsunod sa kasunduang “𝑯𝒂𝒘𝒂𝒊𝒊𝒂𝒏 𝒂𝒕𝒕𝒊𝒓𝒆”.

Kaugnay nito, nagkaroon din ng Raffle Draw, kung saan ay naipamahagi sa mga masuswerteng nanalo ang handog na Consolation Prize, kabilang dito ang sampung Rice Cooker, Gas stove, at Stand Fan, kabilang naman sa naipamahaging Grand Prize ay ang isang Refrigerator, Television, at Washing Machine.

Bukod dito, nagkaroon din ng pagbabalik-tanaw sa mga serbisyong hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa ilalim ng administrasyong Morillo sa pamamagitan ng 𝗧𝗔𝘂𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗔𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, katuwang ang mga Department Heads, Program Managers, at mga kawani sa bawat departamento.

Naging matagumpay ang masayang “Barangay Night 2023” sa pangunguna at pamamahala ng mga aktibo, at masisigasig na kawani ng Pamahalaang Lungsod na mula sa Office of the City Mayor, katuwang ang Community Organizers.

Para kay Mayor Morillo, at Vice Mayor Ignacio, isang magandang karanasan ang gabing iyon para sa lahat ng mga masisigasig, at huwarang tao na buong pusong nagsisilbi, at naglilingkod para sa bayan, sila ang dahilan, kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay nasisilayan ang pagyabong sa Lungsod. Kung patuloy na magkakaisa ang lahat, at magsisikap na mapanatili ang kaayusan sa kani-kanilang mga lugar, hindi malayong magresulta ito sa pagkakaroon ng maningning na imahe ng Lungsod na hitik sa oportunidad, dulot ng kaunlaran, at kapayapaang pinagsusumikapang makamit ng bawat isa.