Masigasig na dumalo at aktibong nakibahagi sa panibagong sesyon ng 𝗔𝘀𝗶𝗮 𝗣𝗮𝗰𝗶𝗳𝗶𝗰 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿𝘀 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆 si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, para sa patuloy na paglinang sa iba’t ibang pamamaraan ng pamamahala.

Kahapon, ika-2 ng Mayo, tinalakay sa nasabing aktibidad ang tungkol sa “𝑼𝒓𝒃𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝑻𝒆𝒓𝒓𝒊𝒕𝒐𝒓𝒊𝒂𝒍 𝑷𝒍𝒂𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈” na siyang binigyang pansin ng butihing Ina ng Lungsod.

Dito ay ipinresenta ang mga hamon na kinahaharap ng Lungsod ng Calapan, kalakip ang mga nakahandang solusyon para rito.

Ang Urban and Territorial Planning ay napakahalaga, dahil ito ay nagsisilbing isang pangunahing kasangkapan para sa pagbuo ng  isang malago at maunlad na lungsod.

Kasama at naging katuwang ng Punong Lungsod sa gawaing ito sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗘𝗻𝗣. 𝗔𝗺𝗼𝗿𝗺𝗶𝗼 𝗖𝗝𝗦 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗖𝗘𝗦𝗘, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗘𝗻𝘁𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘀𝗲 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗘𝗻𝗣. 𝗡𝗲𝗽𝗼 𝗝𝗲𝗿𝗼𝗺𝗲 𝗚. 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝘀. 𝗠𝘆𝗿𝗶𝗮𝗺 𝗟𝗼𝗿𝗿𝗮𝗶𝗻𝗲 𝗗. 𝗢𝗹𝗮𝗹𝗶𝗮, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼. 💜