Nitong ika-17 ng Abril, nagtungo sa tanggapan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang National
Nutrition Council – MIMAROPA sa pamumuno ni Nutrition Program Coordinator Ma. Eileen Blanco at Ms. Katlhyn Ancheta, kasama ang Regional Nutrition Evaluation Team, para magbigay kortesiya sa Punong-lungsod, kasama rito sina City Health Officer, Dr. Basilisa M. Llanto, at City Nutrition Action Officer, Ms. Glenda M. Raquepo, RN. Ito ay para sa pagsasagawa ng Regional Monitoring and Evaluation Local Level Plan Implementation (MELLPI) ng Nutrition Program Accomplishments ng Lungsod ng Calapan, upang makipag-compete, para sa Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN) Award. Samantala, si CNPC, Ms. Hazel Masongsong naman ang contender ng Lungsod ng Calapan, para sa Regional Outstanding City Nutrition Program Coordinator, para sa taong 2023.
Leave a Reply