Alcoba ng DWCC at Alido ng LGC, wagi bilang Mr. & Ms. CCAA 2022
May nanalo na!
Matagumpay na naiuwi nina Earnhart Kristian Alcoba ng Divine Word College of Calapan at Kate Wincel Alido ng Luna Goco Colleges ang korona nang sila ay maitinanghal bilang Mr. & Ms. CCAA 2022 nitong ika-30 ng Nobyembre sa Bulwagang Panlalawigan.
Kinilala din si Alcoba bilang Mr. Skinfinity, at sila rin ng kaniyang kapareha ang Best in Talent; samantala, hakot awards naman si Alido bilang siya ang nakasungkit ng anim na minor awards: Ms. Casa Stela, Ms. Studio K Awards, Photogenic Award, Best in Sports Wear, School Uniform at Long Gown.
Sa question and answer portion, sinabi ni Alido na kung sakaling siya ang manalo na Ms. CCAA, gagamitin niya ang kaniyang boses sa pagsusulong ng sports sa Calapan at maglilikom ng pondo para tulungan ang mga talentadong kabataan na walang sapat na pera para sumali sa mga palaro.
Para naman kay Alcoba na siyang kauna-unahang Mr. CCAA, naniniwala siya na siya ang napili na maging kinatawan ng kaniyang paaralan dahil siya ay confident, dedicated, at passionate.
Dagdag pa niya, “I am given opportunity to represent the school for this kind of pageant because I will not wait for the opportunity but instead, I will create it.”
1st Runner Up naman sina Alfred Hendrick Aceveda ng City College of Calapan at Carolyn Kean Tuquero ng Divine Word College of Calapan, at 2nd Runner Up naman sina John Mark Cepeda ng Mindoro State University at Yvonne Marie Marteja ng Southwestern College of Maritime, Business and Technology.
Hindi naman pinalagpas ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at Vice Mayor Bim Ignacio ang pagdalo sa Mr. and Ms. CCAA 2022.
“Nawa’y ipagpatuloy ninyo ang pagiging mabuting modelo sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng inyong adbokasiya sa larangan ng sports dahil hindi lamang kayo itinanghal para sa korona o tropeyo, nagwagi kayo dahil may purpose kayo sa ating lipunan,” – City Mayor Malou F. Morillo.
Matapos ang tatlong taon ay matagumpay ang naging pagbabalik ng CCAA at kasabay nito, muling narinig ang lakas ng hiyawan ng mga mag-aaral mula sa pitong paaralan upang suportahan ang kanilang mga pambato.
Ito din ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng CCAA na nagkaroon ng Mr. CCAA (Thea Marie J. Villadolid/CIO).
💜💜💜
#TaumbayanAngMasusunod
#SerbisyongTama
#IgnitethePassion



