Pagsisiguro na patuloy na natutugunan ang anumang pangangailangang pangkalusugan ng taumbayan — ito ang target ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo sa pagbababa ng
Expanded Health Program sa mga barangay dito sa lungsod. Katunayan nito, ika-21 ng Pebrero, Barangay Personas naman ang sinerbisyuhan ng Expanded Health Program Team. Naghatid ng tulong medikal ang Pamahalaang Lungsod na kinapalooban ng libreng Anti-Pneumonia Vaccine, HPV Vaccine, Flu Vaccine, Dental Health Services, Health Card services (distrubution, membership & renewal), eyeglasses referral, libreng konsultasyon, pamamahagi ng maintenance medicine, resetang gamot, at madami pang iba. Nagpaabot naman ng mainit na pasasalamat ang mga residente ng nabanggit na baranggay sa pagpahatid sa kanila ng libreng serbisyong medikal.






