Patuloy na umaaksyon ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor
Malou Flores-Morillo, upang bigyang kaalaman at kamalayan ang mga Calapeño mula sa iba’t ibang barangay, hinggil sa sakit na Pertussis o Whooping Cough, sa pangunguna ng City Health and Sanitation Department na pinamumunuan ni City Health Officer, Dr. Basilisa M. Llanto, kung saan layunin nitong mapangalagaan ang kalusugan ng bawat isa, kontra sa nasabing sakit, sa tulong ng paghahatid ng mga mahahalagang impormasyon na dapat nilang malaman para maiwasan at maibsan ito.
Naisagawa na ang Pertussis Awareness Campaign sa mga sumusunod na Barangay:
• Brgy. Ibaba West
• Brgy. Mahal na Pangalan
• Brgy. Balite
• Brgy. Canubing II
• Brgy. Silonay
• Brgy. Salong
• Brgy. Camilmil
• Brgy. Bucayao
• Brgy. Brgy. Nag-Iba I
• Brgy. Brgy. Nag-Iba II
• Brgy. Brgy. Baruyan