SENATOR IMEE R. MARCOS BASKETBALL CLINIC

Senator Imee R. Marcos at City Mayor Malou Flores-Morillo, parehong babaeng lingkod-bayan at may iisang layunin na makapagbigay ng Tama at nararapat na serbisyo sa taumbayan.

Isang programang alay sa kabataan ang inilunsad ng tanggapan ni Sen. Imee na ipinatutupad sa buong Pilipinas, ito ang Basketball Clinic na layunin ay simulan sa grassroots ang pagtuturo ng larong basketball, ginanap sa Sentrong Pangkabataan, Barangay Sta. Isabel, Calapan City, Abril 21, 2024.

Sa pagdating ni Senator Imee Marcos sa Lungsod ng Calapan ay malugod itong sinalubong ng mga Calapeño sa pangunguna ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor at City Mayor Malou Flores-Morillo.

Bitbit ng Senadora ang panibagong pag-asa para sa mga kabataan na mula sa lungsod ay uusbong at kikilalanin ang pinakamahuhusay na basketbolista tulad ni Rico Maierhofer, Nelson Asaytono at Rodel Vaygan.

Sa mensahe ni Governor Bonz ay binigayang inspirasyon nito ang mga kabataang kalahok na seryosohin ang kanilang pagsasanay. Aniya pa, bilang patunay ng kanyang masidhing hangarin na mas mapaunlad pa ang kakayanan ng mga kabataang Mindoreño sa isports ay sinikap niyang mabigyang katuparan ang matagal na niyang pangarap na makapagpatayo ng Sentrong Pangkabataan na ngayon ay pinakikinabangan na bilang lugar na pinagdadausan ng malalaking basketball tournament.

Buong-lugod namang pinasalamatan ni City Mayor Morillo ang inisyatibang ito ni Senator Imee Marcos na sa pamamagitan ng larong basketball ay iginigiya ang mga kabataan sa tamang direksyon na siya rin aniyang pangarap niya para sa bawat isang kabataang Calapeño.

Kabilang sa mga paaralan na nakiisa sa Senator Imee Marcos Basketball Clinic 2024 ay ang Divine Word College of Calapan High School/Elementary, Holy Infant High School/Elementary, Oriental Mindoro National High School Boys/Girls, Adriatico Memorial School at Guinobatan Elementary School.

Ginampanan naman nina Senator Marcos, Governor Bonz at City Mayor Malou ang Awarding Ceremonies para sa mga natatanging manlalaro. Best in Dribble si Melvin Quinto; Best Shooter, Red Romero; Best Defender si AJ Brucal. Nakuha naman ni Warren Rodio ang Sportmanship Award at Merryl Cuasay ang Most Promising Player.

Maliban sa libreng pagsasanay ay nakatanggap din ang mga kalahok ng tig-iisang bola at jersey mula pa rin kay Senator Imee Marcos.